Search a Movie

Sunday, June 7, 2020

The Hustle (2019)

Poster courtesy of IMP Awards
© Metro-Goldwyn Mayer
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Anne Hathaway, Rebel Wilson
Genre: Comedy, Crime
Runtime: 1 hour, 33 minutes

Director: Chris Addison
Writer: Stanley Shapiro, Paul Henning, Dale Launer, Jac Schaeffer
Production: Metro-Goldwyn-Mayer, Camp Sugar, Cave 76
Country: USA


Ang The Hustle ay tungkol sa pasiklaban ng dalawang con artist. Si Penny Rust (Rebel Wilson) ay isang small-time scammer na ang biktima ay mga kalalakihang ang kahinaan ay mga babae. Samanatala, isang sopistikadang con artist naman si Josephine Chesterfield (Anne Hathaway) na ang puntirya naman ay ang mga mayayamang kalalakihan na madaling mabihag ng kaniyang kagandahan.

Sa pagdating ni Penny sa baluarte ni Josephine ay makakaramdam ang huli ng pagkabahala sa pagkakaroon nito ng posibleng kakumpetisyon. Kaya naman agad itong gumawa ng plano upang paalisin si Penny sa kanilang lugar na naging matagumpay naman, subalit nang mapag-alaman ni Penny ang pagiging big-time con artist ni Josephine ay susubukan niyang makipaglapit dito.

Pagbibigyan ni Josephine ang alok ni Penny dahil sa paniniwala sa kasabihang "keep your enemies closer," kakaibiganin nito ang dalaga at tuturuan niya ito ng ilang technique sa panloloko. Nang hindi magkaintindihan ang dalawa dahil sa pera ay nagkaroon ng kumpirmiso sa pagitan nila Penny at Josephine na kung sino man sa kanila ang unang makakahuthot ng pera mula sa milyonaryong si Thomas Westerburg (Alex Sharp) ang siyang masusunod sa kung anuman ang kagustuhan ng mananalo.

Kung ano ang napapanood mo kay Wilson sa kaniyang mga pelikula ay ganoon din ang mapapanood mo mula sa kaniya sa palabas na ito. Parating tungkol sa pagiging mataba, sa kaniyang katawan, sex at kung ano pang mga katatawanan na hindi puwede sa mga pambata ang kaniyang biro. Kung ako ang tatanungin ay nakakaumay bagamat nakakatawa pa rin naman pero wala nang bago at paulit-ulit na lang ang mga punchlines.

Magaling na aktres si Hathaway pero maging siya ay nadadamay dahil sa mababang kalidad ng palabas na ito. Walang kuwenta ang istorya nito at habang palalim na palalim ang daloy nito ay lalong nagiging walang saysay ang mga pangyayari. Purong katatawanan lang ang mapapanood kahit na walang sense na ang kanilang mga pinaggagawa. Gayun pa man ay bibigyan ko sila ng puntos sa ginawa nilang twist sa dulo. Iyon nga lang, ang sana'y pagkakataon na maaari nilang i-redeem ang pelikula ay hindi nila nagamit dahil sa direksyong pinili nila para sa katapusan nito.


No comments:

Post a Comment