Poster courtesy of IMP Awards © New Line Cinema |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Teresa Palmer, Gabriel Bateman, Alexander DiPersia
Genre: Horror
Runtime: 1 hour, 21 minutes
Director: David F. Sandberg
Writer: Eric Heisserer
Production: New Line Cinema, Grey Matter Productions, Atomic Monster, RatPac-Dune Entertainment
Country: USA
Isang hindi maipaliwanag na kababalaghan ang nagaganap ngayon sa tahanan ng batang si Martin (Gabriel Bateman). Ito ang sinusubukang lutasin ng kaniyang ama bago ito namatay sa isang freak accident. Dahil sa mga katakut-takot na pangyayaring ito sa kanilang bahay ay kinailangan nang humingi ng tulong ni Martin sa kapatid nitong si Rebecca (Teresa Palmer) na matagal nang bumukod sa kanilang pamilya dahil sa alitan nila ng kaniyang ina.
Para sa kapakanan ng kaniyang kapatid ay susubukang alamin ni Rebecca ang puno't dulo ng kababalaghang ito upang malaman kung papaano nito tatapusin ang problemang unti-unting sumisira sa diwa ng kanilang ina na siya ring naging sanhi ng pagkawasak ng kanilang pamilya.
Ito ang pelikulang ilalabas ang takot mo sa dilim. Ang ipinagkaiba nito sa mga katulad nitong pelikulang pang-katatakutan ay hindi ito tungkol sa haunted house o anumang bagay na pinagmumultuhan. Higit sa lahat ay hindi ang bata ang minumulto dito kundi ang matandang karakter. Makikita mo sa palabas ang pagsisikap nitong magbigay ng kakaibang kuwento, malayo sa mga nakasanayan na nating horror stories.
Ang magpapanabik sa mga manonood ay hindi ang multo o kababalaghan mismo na nagaganap sa pelikula kundi ang kaalaman kung kailan lalabas ang naturang nilalang — tuwing namamatay ang ilaw. Kung sa ibang palabas, anumang oras, anumang pangyayari ay maaaring magpakita o magparamdam ang mga multo ngunit dito sa Lights Out ay alam na ng bawat nanonood kung kailan ang labas nito. At iyon ang nagbibigay ng magkaparehong takot at pagkabahala sa audience, takot na minsan na nating naramdaman tuwing tayo'y nasa dilim. Kaya naman hindi na masyadong kinailangan ni Sandberg ang jump scares sa kaniyang pelikula. Mayroong mangilan-ngilan ngunit hindi sila doon nag-rely sa pagbibigay ng katatakutan.
Ang isa pang nagustuhan ko sa palabas bukod sa pag-iwas nila sa cliché na daloy ng istorya ay may talino ang bawat karakter ng pelikula. Ginamit nila ang kanilang utak sa mga kaganapan kung saan ito kinakailangan katulad ng pagtawag sa mga pulis at paglipat ng tirahan. Saka lang bumagsak ang palabas nang ibinigay na nila ang kuwento sa likod ng multong si Diana na tila naging out of place at ang labas ay hindi na makatotohanan. Mas mabuti na rin sana kung hindi na lang nila ito binigyan ng mukha para lang sa isang jump scare na hindi naman umubra. Dahil dito ay nawala ang pagiging misteryosa ni Diana at isa pa'y hindi rin ganoon ka-original ang ginamit nilang mukha nito bilang panakot dahil nakita ko na ito sa ibang gawa ni James Wan. Bitin at hindi rin kumpleto ang backstory na inilaan nila para rito kaya walang gaanong impact ang kuwento nito.
Gayunpaman, isa ang Lights Out sa mga horror movies na tiyak makapagbibigay ng nginig at takot sa kung sino man ang nanonood nito. Hindi ka bibiguin ng buong cast lalo na ng batang aktor na si Bateman. Hanga ako sa mga tila makatotohanan nitong emosyon. Kung mahilig ka sa horror, marapat lamang na isama mo ang palabas na ito sa iyong watch list, kasama na rin ang short film nito kung saan ito ibinase. At paalala, para hindi ma-paranoid ay manood na lang na nakabukas ang ilaw.

No comments:
Post a Comment