Poster courtesy of IMP Awards © New Line Cinema |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Matthew McConaughey, Jennifer Garner
Genre: Comedy, Fantasy, Romance
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: Mark Waters
Writer: Jon Lucas, Scott Moore
Production: Jon Shestack Productions, New Line Cinema, Panther
Country: USA
Sikat, mayaman at playboy, hindi ito si Tony Stark kundi siya si Connor Mead (Matthew McConaughey), isang celebrity photographer na ayaw sa commitment at hindi naniniwala sa pag-ibig. Sa pagdalo nito sa kasal ng kapatid ay muli niyang makakasalamuha ang unang babaeng nagpatibok sa puso nito, si Jenny Perotti (Jennifer Garner), ang kaniyang kababata na isa na ngayong duktor.
Bago ang kasal ay dadalawin si Connor ng multo ng yumao nitong Uncle, na katulad din niya ay namuhay at namatay bilang isang babaero, upang bigyang babala sa paparating na tatlong multo ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap na siyang magpapakita sa kaniya sa tunay na kahulugan ng pag-ibig at magpapa-alala kung gaano kahalaga ang unang babaeng kaniyang pinakawalan.
Ang buhay na siguro ni Connor ang pinapangarap ng bawat kalalakihan. Maganda ang naging premise ng kuwento ngunit nakulangan ako sa kinalabasan nito. Umasa ako ng iba't-ibang girlfriends na bibisitahin nila sa nakaraan ngunit sa isang babae lang sila nag-focus at doon nga ay sa bidang si Jenny Perotti. Nawala tuloy ang sense of adventure ng pelikula at simula doon ay sakop na ng manonood kung paano ang itatakbo ng kuwento.
Medyo cheesy ang fantasy element ng pelikula na nagmistulang flashback kung gagawin itong normal na palabas. Naging dragging din ito sa kalagitnaan hanggang sa malapit nang matapos ay wala paring inusad ang istorya ng bida. Saka lang nagkaroon ng pagbabago pagdating ng future ghost na siyang nagpaalala sa akin sa pelikulang Click (2006).
Genuine naman ang kinalabasan ng ending nito dahil na rin sa nakakakumbinsing pag-arte ni McConaughey ngunit kung susumahin natin ang palabas ay hindi ko ito masyadoong nakitaan ng humor at ganoon din sa romance.

No comments:
Post a Comment