Search a Movie

Wednesday, January 25, 2017

Cake (2014)

Poster courtesy of IMP Awards
© Cinelou Films
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Jennifer Aniston, Adriana Barraza, Anna Kendrick, Sam Worthington
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 42 minutes

Director: Daniel Barnz
Writer: Patrick Tobin
Production: Cinelou Films, Echo Films, We're Not Brothers Productions
Country: USA


Magkaparehong emosyonal at pisikal ang iniindang sakit ngayon ni Claire Bennett (Jennifer Aniston) matapos itong makaligtas mula sa isang aksidenteng naging sanhi ng pagkasira ng kaniyang pamilya. Sa isang support group na kaniyang dinadaluhan ay magkakaroon ng interes si Claire sa dati nitong kasamahan na nagpakamatay, si Nina Collins (Anna Kendrick). Sa kabila ng karamdaman ay magkakaroon ng sariling pagsisiyasat si Claire sa naging buhay ni Nina at kasabay nito ay ang unti-unti nitong pagtanggap sa pangalawang buhay na ngayon ay kaniyang tinatamasa.

Napaka-cryptic ng paraan ng pag-prisinta ni Daniel Barnz sa istorya ng Cake. Bawat eksena ay para kang nagbabasa sa pagitan ng mga linya. Tila magulo sa simula ngunit kapag naintindihan mo na ang takbo nito ay saka mo lang magugustuhan ang puno ng emosyon nitong kuwento. Mabagal ang naging takbo ng kuwento ngunit kahit papaano ay interesante parin ang naging usad nito.

Sa buong pelikula, ang naging pagganap ni Anniston bilang Claire ang hahangaan ng bawat manonood. Nagpamalas ito ng kapani-paniwalang pag-arte. Sa bawat galaw at bawat mannerisms ng kaniyang karakter ay halos maramdaman mo na ang sakit na dinaramdam nito dahil sa galing ng kaniyang pagsasabuhay. Nakakalungkot lang na hindi pinansin ng Oscars ang ipinamalas niyang husay dito ngunit gayunpaman, isa ang Cake sa mga pelikula ni Anniston kung saan nabigyan niya ng hustisya ang karakter na kaniyang pinagbibidahan.

Maganda ang istorya, magaling ang bida. Ngunit sa kabila ng mga positibo kong puna ay kinulang ito ng impact upang manatili ito sa iyong isipan ng matagal. Oo nga't maganda ang kabuuan ng pelikula ngunit isa lamang ito sa mga palabas na magugustuhan ng audience pagkatapos panoorin ngunit makakalimutan din sa pagtagal ng panahon lalo na sa pagdating ng mga bagong pelikulang mas tatatak sa madla.


No comments:

Post a Comment