Search a Movie

Friday, January 6, 2017

The Revenant (2015)

Poster courtesy of IMP Awards
© Regency Enterprises
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Leonardo DiCaprio, Tom Hardy, Domhnall Gleeson
Genre: Adventure, Drama, Western
Runtime: 2 hours, 36 minutes

Director: Alejandro G. Iñárritu
Writer: Mark L. Smith, Alejandro G. Iñárritu, Michael Punke (novel)
Production: Regency Enterprises, RatPac Entertainment, New Regency Pictures, Anonymous Content, M Productions, Appian Way
Country: USA


Ang pelikulang nagbigay ng Oscars sa beteranong aktor na si Leonardo DiCaprio, ang The Revenant ay tungkol sa naging pakikipagsapalaran ni Hugh Glass (DiCaprio) sa kagubatan matapos itong iwan ng mga kasamahan nang atakihin ito ng isang oso. 

Si Glass ang naging gabay ng mga trappers, na pinamumunuan ni Andrew Henry (Domhnall Gleeson), pabalik sa kanilang lugar matapos silang lusubin ng tribo ng Arikara mula sa isang "unorganized territory". Habang pabalik ay isang oso ang umatake kay Glass na kamuntikan nang kumitil sa kaniyang buhay. Dahil sa takot na baka sila'y maabutan ng mga Arikara ay inimungkahi ni John Fitzgerald (Tom Hardy), ang kasamahan nilang may itinatagong galit kay Glass, ni i-mercy killing na lang ito ngunit hindi ito kayang isagawa ni Henry kaya nag-alok na lamang siya ng pera sa kung sino man ang maiiwan upang bantayan si Glass hanggang sa mawalan ito ng buhay

Si Fitzgerald, Jim Birdger (Will Poulter), at ang anak ni Glass ni si Hawk (Forrest Goodluck) ang naiwan upang magbantay ngunit pagka-alis ng kanilang grupo ay hindi sinunod ni Fitzgerald ang iniutos sa kaniya bagkus ay iniwan na lang nito basta ang naghihingalong katawan ni Glass sa malamig na kagubatan upang mag-isang mamatay.

Isa lamang ito sa mga napakaraming pelikula ni DiCaprio na hahangaan mo dahil sa husay niya sa pag-arte, ngunit hindi katulad ng ibang palabas nito ay ibang DiCaprio ang makikita natin dito. Isang dugyot na karakter na ikaka-turn off marahil ng maraming humahanga sa magandang looks nito ang mapapanood sa The Revenant. Gayunpaman ay isa ang karakter na ito sa mga hindi natin malilimutan sa mundo ng pelikula dahil sa makatotohanang pag-gulpi ng oso sa karakter nito. Napakaganda ng visual effects at talagang mapapatanong ka kung alin ba sa pinapanood mo ang totoo at alin ang gawa lamang ng isang visual artist. Umabot pa sa puntong hinanap ko sa Google ang sagot sa mga katanungang ito.

Napakaganda ng make-up, costume at practical effects. Kamangha-mangha ang mga bawat shots at napaka-artistic ng naging approach ni Alejandro G. Iñárritu sa kaniyang pelikula sa kabila ng dark storyline nito. Hindi rin nito itinago ang mga brutal na eksena. Brutal kung brutal upang mas maging makatotohanan at madama ng bawat manonood ang eksena.

Pagdating sa itinakbo ng kuwento, sari-saring emosyon ang mararamdaman mo dito. Nandoon ang guilt, galit at maging ang adrenaline rush. Ang problema nga lang ay masyadong napahaba ang naging adventure ni Glass sa kagubatan sa puntong nawala na ang kagustuhan mong maghiganti sa sinapit nito. At ang tanging kakapitan mo na lamang sa palabas ay kung sa papaanong paraan ito gaganti na sa totoo lang ay hindi gaanong satisfying ang kinauwian at tila iniwan kang bitin.


No comments:

Post a Comment