Poster courtesy of Movie Gazette © Lions Gate Films |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Julia Stiles, Luke Mably
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 51 minutes
Director: Martha Coolidge
Writer: Jack Amiel, Michael Begler, Katherine Fugate (story), Mark Amin (story)
Production: Lions Gate Films, Sobini Films, Epsilon Motion Pictures, Paramount Pictures, Stillking Films
Country: USA
Dahil sa kakulangan sa pera upang matustusan ang pagiging duktor ng pre-med student na si Paige Morgan (Julia Stiles) ay kinakailangan nitong mag-seryoso sa pag-aaral upang makakuha ng scholarship na siyang tutulong sa kaniya. Ngunit hindi ito naging madali lalo na nang dumating sa buhay niya si Eddie Williams (Luke Mably) o mas kilala bilang Crown Prince Edvard ng Denmark. Sa pagnanais na magkaroon ng simple at normal na buhay bilang isang binata ay nagtungo si Edvard sa Amerika at nagpanggap bilang si Eddie Williams, bagong exchange student ng University of Wisconsin–Madison. Ang pagsasama nila Paige at Eddie ay makakabuo ng isang magandang pagtitinginan na siyang sisirain ng itinatagong katotohanan.
Ang The Prince & Me ay isang feel-good movie na sa simula pa lang ay nailatag na ang buong kuwento at nasa direktor na ito kung papaano nito mapapanatiling nakatutok ang kaniyang manonood. Maganda ang chemistry nila Stiles at Mably, ito ang magdadala ng kilig sa buong pelikula maliban sa magkaibang personalidad ng dalawa na mas lalong nagbigay kulay sa kanilang love story.
Maayos ang pagkakagawa sa karakter ni Edvard at makikita rito ang unti-unting pag-iba ng kaniyang ugali ngunit sa kabilang banda ay tila napabayaan naman ang karakter ni Paige. Sa bandang huli ay bigla-bigla na lang ang pagbabago ng desisyon nito at ito ang sumira sa kilig na binuo nilang dalawa ni Edvard. Sinubukan nilang isalba ang kaniyang karakter sa pamamagitan ng isang "twist" sa dulo ngunit naging anti-climactic lang ito. Maganda na sana ang naging flow ng istorya sa simula ngunit sa katapusan ay bigla itong naging play safe. Isang real-life fairy tale na tiyak magugustuhan ng mga naniniwala sa happily ever after.

No comments:
Post a Comment