Poster courtesy of IMP Awards © Walt Disney Pictures |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Owen Wilson, Paul Newman, Bonnie Hunt
Genre: Animation, Comedy, Family, Sports
Runtime: 1 hour, 57 minutes
Director: John Lasseter
Writer: Dan Fogelman, John Lasseter, Joe Ranft, Kiel Murray, Phil Lorin, Jorgen Klubien
Production: Pixar Animation Studios, Walt Disney Pictures
Country: USA
Matapos magkaroon ng three-way tie ang karera sa katatapos lang Piston Cup championship ay muling magkakaroon ng tiebreaker race sa pagitan ng mga nanalo. Isa sa tatlong nagwagi sa unang karera ay ang baguhan na si Lightning McQueen (Owen Wilson) na determinadong mapanalunan ang Piston Cup upang mai-angat ang estado ng kaniyang career.
Habang nasa daan papuntang California para sa laban ay aksidenteng naligaw si McQueen at nauwi sa liblib na bayan ng Radiator Springs. Sa pagmamadaling makatakas mula sa pulis na humahabol sa kaniya dahil sa overspeeding ay masisira nito ang daan sa naturang lugar. Nang mahuli ay kinakailangan ngayon nitong ayusin ang nasirang daan kapalit ng kaniyang kalayaan. Sa pananatili ni McQueen sa Radiator Springs ay unti-unti nitong makikilala ang mga nakatira rito at ang nakaraan ng lugar.
Impressive ang naging representation ng society sa pelikula at hanga ako sa lawak ng imahinasyon ng mga nasa likod nito. Katulad ng ating inaasahan mula sa isang Pixar movie ay kumpleto parin ang pormula nito sa paggawa ng animation film: ang magandang storyline na may makulit, nakakatuwa, at nakaka-antig na istorya; ang nakaka-akit at kaibig-ibig na animation; at ang soundtrack na magbibigay sa bawat manonood ng sari-saring emosyon.
Sa kabila ng magandang pormula ay nagkaroon lang ako ng kaunting problema sa napakaraming supporting characters nito na halos one-dimensional ang karamihan. Hindi rin exciting ang ginawang conflict para sa bida at doon ito nagkulang kung kaya't medyo bitin o may kulang ang kinalabasan nito.
No comments:
Post a Comment