Poster courtesy of IMP Awards © DC Entertainment |
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Will Smith, Margot Robbie, Viola Davis, Cara Delevingne
Genre: Action, Adventure, Fantasy, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 3 minutes
Director: David Ayer
Writer: David Ayer
Production: DC Entertainment, RatPac-Dune Entertainment, Atlas Entertainment, Warner Bros. Pictures, Lin Pictures
Country: USA
Isang witch-goddess na may pangalang Enchantress (Cara Delevingne) ang nagba-balak na burahin ang sangkatauhan. Upang malabanan ang makapangyarihang nilalang na ito ay kinailangan nang ilabas ni Amanda Waller (Viola Davis), isang intelligence officer, ang "Task Force X" o ang grupo ng mga pinakamababagsik na kriminal na kaniyang binuo upang may maipadala sa mga mapapanganib na misyon katulad ng kinakaharap nila ngayon.
Ang Task Force X o mas kilala bilang "Suicide Squad" ay binubuo ng hitman na si Deadshot (Will Smith), dating psychiatrist na si Harley Quinn (Margot Robbie), ang El Diablo (Jay Hernandez) na may pyrokinetic na kapangyarihan, ang magnanakaw na si Captain Boomerang (Jai Courtney), Killer Croc (Adewale Akinnuoye-Agbaje) na may genetic mutation at si Slipknot (Adam Beach), isang assassin. Sa kanilang pagsasama-sama para sa isang misyon kapalit ang kanilang kalayaan ay kinakailangan nilang ilabas ang itinatagong kabutihan ng kanilang kalooban upang mailigtas ang mundo sa kapahamakan.
Isa ang Suicide Squad sa mga pelikulang inabangan sa taong 2016. Malaki ang naging ekspektasyon ko dito at naibigay naman ng pelikula ang ilan sa mga inasahan ko katulad ng maganda at makulay na visual effects at bonggang production mula sa set, props at maging sa costume, hair at make-up department, lahat ay mahusay ang kinalabasan.
Ang hindi umabot sa aking expectation ay ang naging kuwento nito. Habang nasa kalagitnaan ako sa panonood ng pelikula ay napatanong ako sa sarili kung nasaan na ang kuwento? Boring ang naging adventure ng mga karakter. Kinulang ito ng aksyon na siyang inaabangan ko sa isang pelikulang may tema ng pagiging superhero. Hindi maganda ang pagkakasulat sa ibang bida na nasa title role pa naman. Bukod kay Harley Quinn at Deadshot ay madali lang makalimutan ang ilang karakter lalo na kung casual viewer ka lang at hindi fan sa naturang cinematic universe.
Masyadong naging in-your-face ang "bad guys" image ng mga bida na tila ba hindi ito makuha ng mga manonood kaya mapapa-roll eyes ka na lang sa harap ng iyong screen. Bigo rin sila sa paggawa ng mga witty dialogues. Maganda ang naging batuhan nila ng linya ngunit si Harley Quinn lang ang nagdadala. Sa katunayan, siya ang pinaka-nakakawili sa buong palabas at marami ang siguradong mag-aabang kung sakali mang magkaroon siya ng sariling pelikula. Bukod kay Quinn ay maganda rin ang naging portrayal ni Davis sa karakter niyang si Amanda Waller, bad-ass kung bad-ass.
Pagdating sa climax, hindi ko masyadong na-enjoy ang labanan ng mga bida at kontrabida dahil sa magulong camera angles at camera shots na natabunan ng usok. Parang picture sa instagram na pinuno ng filter kaya hindi mo tuloy ito mapanood ng maayos. Maliban kay Margot Robbie at sa makukulay na costume ay wala nang masyadong magandang puna na maaaring ibato pa para sa pelikula.
No comments:
Post a Comment