Search a Movie

Sunday, January 8, 2017

Storks (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Warner Bros.
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Andy Samberg, Katie Crown, Kelsey Grammer
Genre: Animation, Adventure, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 27 minutes

Director: Nicholas Stoller, Doug Sweetland
Writer: Nicholas Stoller
Production: RatPac-Dune Entertainment, Warner Animation Group, Warner Bros. Animation
Country: USA


Dating kilala ang mga Storks bilang tagapaghatid ng mga sanggol. Ngunit natigil ang trabaho nilang ito nang minsang isang katrabaho nila ang nangahas na umangkin ng isang bata. Simula noon ay nag-iba na sila ng negosyo, mula sa paghahatid ng mga sanggol ay tagapaghatid na lang sila ngayon ng mga package. Ang bata na naging sanhi ng pagbabagong ito ay nanatili sa kanilang pangangalaga hanggang sa sumapit ito sa kaniyang ika-labing walong taon. Pinangalanan nila itong Tulip (Katie Crown), ang nag-iisang tao na nagta-trabaho sa Cornerstone. 

Sa kabilang banda, ang only child si Nate Gardner (Anton Starkman) na ang mga magulang na ang buong atensyon ay nakatuon sa trabaho ay nagnanais na magkaroon ng nakababatang kapatid na siyang makakalaro nito. Sinubukan nitong magpadala ng sulat sa mga Storks na siya namang natanggap ni Tulip na aksidenteng nakagawa ng sanggol mula sa sulat ni Nate. Dahil dito kinakailangan ngayong ipadala ni Tulip ang bata kay Nate sa tulong ng stork na si Junior (Andy Samberg) bago pa man ito malaman ng kanilang CEO na si Hunter (Kelsey Grammer).

Dalawang puna ang masasabi ko pagdating sa animation ng Storks. Una, maganda at charming ang human characters lalo na sa mga babies ngunit ang pangalawa, distracting ang ngipin ng mga Storks. Hindi naging maganda ang combination nila Junior at Tulip na kahit saang anggulo mo tignan, lagyan mo man ng drama o comedy ay hindi ko makita ang chemistry sa pagitan nilang dalawa. Lalo na't isang cliche na storyline pa ang ginawa para sa development ng kanilang mga karakter.

Hindi rin nakakatuwa ang slapstick humor ng pelikula, masyadong naging OA sa clumsiness ang mga Storks. Gayunpaman, naging maganda naman ang adventure ng mga bida kahit na alam na ng manonood ang kahahantungan ng adventure na ito. Kung aalisin natin ang slpastick sa humor nito may ilang pasado naman at mapapatawa ka, mayroon din namang ilan na kung tawagin natin ay waley.

Ang nagustuhan ko naman sa pelikula ay magaling ang ginawa nilang pampalito sa kung sino ang tunay na kontrabida sa palabas at hindi ko ito inasahan. Maganda rin ang pagiging diverse nito. Makulay ang animation at nakaka-antig ang ginamit nilang musika na akma sa itinakbo ng kuwento nito. Kung mahilig man kayo sa cute na cute na mga babies ay magsasawa kayo rito.


No comments:

Post a Comment