Search a Movie

Wednesday, January 18, 2017

Inferno (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Columbia Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Tom Hanks, Felicity Jones
Genre: Adventure, Crime, Mystery, Thriller
Runtime: 2 hours, 1 minute

Director: Ron Howard
Writer: David Koepp, Dan Brown (novel)
Production: Columbia Pictures, Imagine Entertainment, LStar Capital, Mid Atlantic Films
Country: USA


Walang alaala sa mga nakaraang araw ang propesor ng Harvard University na si Robert Langdon (Tom Hanks) nang magkaroon ito ng malay sa isang ospital sa Florence, Italy. May tahi ito sa ulo na sanhi ng tama ng bala. Hindi pa man magaling ay nahaharap na naman sa panganib ang buhay nito nang isang assassin na nagpapanggap na pulis ang muling nangtangka sa buhay nito. Sa tulong ni Dr. Sienna Brooks (Felicity Jones) ay madaling nakatakas ang dalawa mula dito.

Sa pagnanais na malaman kung bakit nasa peligro ang buhay niya ay gumawa ng sariling imbestigasyon sina Langdon at Brooks na siyang mag-uugnay sa dalawa kay Bertrand Zobrist (Ben Foster), isang bilyonaryong scientist na nagsusubok lutasin ang problemang overpopulation ng mundo. Sa tulong ng mga clues na siyang iniwan ni Zobrist bago ito mamatay ay kinakailangan ngayon itong malutas ni Langdon upang malinis ang kaniyang pangalan at mailigtas ang buong mundo sa naka-ambang pagkalipol ng buong populasyon.

Ito ang ikatlong installment sa Langdon series na base sa mga libro ni Dan Brown. Dahil nabasa ko na ang libro kung saan nanggaling ang istorya nito ay magkakaroon ako ng kaunting paghahambing sa istorya ng Inferno sa libro at sa pelikula. Katulad ng ibang pelikula na hango sa mga nobela, marami at minsan ay malaki ang ipinagkakaiba ng ikot ng kuwento ng pelikula sa orihinal. kaya naman naiintindihan ko kung bakit dito sa Inferno ay marami ding pinalitan. Upang bumagay at hindi maapektuhan ang buong franchise ay kinailangang palitan ng screen writer ang naging katapusan ng Inferno sa pelikula na okay lang naman sa akin dahil nakapag-bigay ito ng cliche man ngunit mas kapana-panabik na climax. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang kinauwan ng karakter ni Sienna Brooks na mamahalin mo sa simula at tinuluyang siraan ng mga writers sa dulo para lang maisalba ang kuwento ng buong franchise.

Sa pelikula ay hindi nabigyan ng highlight ang pagiging genius nila Zobrist at Brooks at ang pagiging astig ni Vayentha. Nakulangan ako sa kanila pagdating sa characterization. Maganda na ipinapakita ng director sa mga manonood ang point of view ni Langdon upang kahit papaano ay madama ng nanonood ang nararamdaman ng bida ngunit naging maya't-maya na ang pagpapalabas sa paulit-ulti na visions nito sa puntong masyado na itong intrusive at hindi mo na ma-enjoy ng buo ang eksena dahil dito. Nasobrahan din sa pangangatog ang kamera, na siguro'y ginawa upang maipakita na nakakapanabik ang mga kaganapan sa mga bida ngunit sa halip na manabik ay sasakit lang ang ulo mo dahil sa magulong camera shots.

Oo nga't thrilling ang palabas at nakaka-engganyo din ang pagiging misteryoso ng kuwento nito ngunit kung titignan mo ang kabuuan ng pelikula, dahil sa mga pagbabagong ginawa dito ay naging normal at walang kabuluhan ang itinakbo nito. Para lang itong tipikal na mystery-thriller film na ang nais iparating na orihinal na mensahe ay nawala dahil sa biglaang pagliko ng kuwento nito.


No comments:

Post a Comment