Poster courtesy of A Quiet Place © Platinum Dunes |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Emily Blunt, John Krasinski, Millicent Simmonds, Noah Jupe
Genre: Drama, Sci-Fi, Thriller
Runtime: 1 hour, 30 minutes
Director: John Krasinski
Writer: Bryan Woods, Scott Beck, John Krasinski
Production: Platinum Dunes, Sunday Night
Country: USA
Taong 2020 at nabibilang na lang ang mga taong buhay sa mundo. Ito ay dahil sa mga nilalang na siyang tumapos sa sangkatauhan. Mga halimaw na walang paningin ngunit mayroong malakas na pandinig. At bawat bagong ingay na marinig ng mga ito ay agad nilang pinapaslang.
Isang pamilya ang nakaligtas mula sa mga nilalang na ito at sa ngayon ay patuloy parin ang pakikibaka nila upang mabuhay mula sa mga naturang nilalang. Literal na naging tahimik ang pamumuhay ng pamilya Abbott upang malayo sila sa panganib. Bawat galaw ay tantiyado upang hindi makagawa ng ingay. Ngunit ang disiplinadong pamilya ay unti-unti nasira nang mamatay mula sa kamay ng isang halimaw ang bunso ng pamilya.
Maganda, kakaiba at bago sa panlasa ang konsepto na ipinamalas ng A Quiet Place para sa mga manonood. Pasok na pasok ito sa horror genre kaya naman hindi na nakapagtataka ang pagiging hype nito. Maging ako ay nagka-interes sa palabas nang mapanood ko ang trailer nito ngunit matapos panoorin ang pelikula ay masasabi kong ang palabas ay isang malaking disappointment.
Lahat ng magagandang eksena ay nasa trailer na kaya naman wala nang naipakitang wow factor ang palabas. Cliche na rin ang mga ginawang panakot dito at karamihan ay puro jumpscares na lang. Masyado silang nag-focus sa kung papaano takutin ang manood at ang naging kapalit nito ay naging one dimensional ang mga karakter at napabayaan ang kuwento nito. Sa totoo lang ay wala itong kuwento na susundan. Papanoorin mo lang ang pamilya kung paano makakaligtas sa mga naturang nilalang.
Sa palabas na ito mo rin mapagtatanto ang kahalagahan ng dialogue. Dahil kinulang ang A Quiet Place ng dialogue mula sa mga karakter (dahil nga kailangang tahimik ang lahat) ay marami itong bland na eksena, boring at nakakawala ng interes.
Maganda ang special effects, maganda at may takot factor ang concept ngunit hindi maganda ang naging execution ng palabas kahit na magaling pa ang mga aktor na gumanap dito.

No comments:
Post a Comment