Search a Movie

Saturday, July 28, 2018

I Am a Hero (2015)

Poster courtesy of CineMaterial
© Toho Company
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Yo Oizumi, Kasumi Arimura
Genre: Action, Horror, Thriller
Runtime: 2 hours, 6 minutes

Director: Shinsuke Sato
Writer: Akiko Nogi, Kengo Hanazawa (manga)
Production: Toho Company, Toho Pictures, Avex Pictures, Hakuhodo DY Media Partners, Hikari TV
Country: Japan


Isang gabi habang papauwi mula sa trabaho, nasaksihan ni Hideo Suzuki (Yo Oizumi) ang isang aksidente na nakapatay sa isang pedestrian. Ngunit sa kabila ng malubha nitong kalagayan, ang biktima ay tumayo at naglakad na parang walang nangyari.

Kakaiba man ito para kay Hideo ay ipinagsawalangbahala lang niya ito. Ang hindi niya alam, sa aksidenteng iyon na pala magsisimula ang isang viral infection na siyang sisira sa kanilang lugar at bubuhay sa isang zombie apocalypse.

Uunahin ko na ang mga nagustuhan ko sa palabas. Maganda ang costume at make-up na ginawa sa pelikula. Kitang-kita ang effort nila sa department na ito dahil mandidiri at matatakot ka kapag nakita mo na ang mga zombies. Nakaka-amaze at sa parehong pagkakataon ay nakakatawa ang naging exaggeration sa pagiging acrobatic ng mga zombies. Hindi mo tuloy alam kung seseryosohin mo ba ito o sasabayan ka na lang.

Sa kabila ng magandang make-up ay napaka-walang utak naman ng mga bida rito at hindi ko alam kung may utak bang makukuha ang mga zombies mula sa kanila. Sobrang slow nila, mas slow pa sa mga zombies. Hindi mo sila makikitaan ng survival instincts kaya sa halip na magkaroon ng thrill ang iyong pinapanood ay mababanas ka lang na makita ang reaksyon nila na tila ba palaging nagba-buffer.

Sa sobrang dami ng nakakairitang eksena dito dahil sa katangahan ng mga bida ay mahirap enjoyin ang palabas. Maging ang climax nito na siya sanang magpapaganda sa pelikula ay naging boring at nakakainis. Isang zombie movie na hindi nakapagbigay ng thrill na siyang inaasahan ng manonood. Walang kuwentang bida at hindi gaanong nakakapukaw ng interest ang istorya.


No comments:

Post a Comment