Search a Movie

Saturday, July 28, 2018

Mission: Impossible – Rogue Nation (2015)

Poster courtesy of IMP Awards
© Paramount Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Tom Cruise, Jeremy Renner, Rebecca Ferguson
Genre: Action, Mystery
Runtime: 2 hours, 11 minutes

Director: Christopher McQuarrie
Writer: Christopher McQuarrie, Drew Pearce (story)
Production: Paramount Pictures, Skydance Media, Bad Robot
Country: USA


Muling nagbabalik ang IMF agent na si Ethan Hunt (Tom Cruise) para sa kanilang pinakamahirap na misyon kasama ang kaniyang team, ito ay ang puksain ang isang international rogue syndicate na kasing galing nila na ang misyon ay ang sirain din ang kanilang grupo. 

Palagi namang maganda ang dala ng Mission: Impossible pagdating sa action-mystery na genre ngunit dahil sa dami na nitong installments ay halos pare-pareho at paulit-ulit na lang ang mga nagiging kuwento nito na dinaragdagan lang ng bagong twist at characters upang maiba, ngunit sa kabila no'n ay nagiging forgettable parin ang istorya nito.

Para sa akin ay masyado nang naging nakakatawa ang pelikula dahil katulad ng titulo ng palabas ay literal na naging imposible na ang mga kaganapan dito. Masyadong extreme at exaggerated ang mga ginawang stunts sa mga eksena kaya imbis na ma-amaze ay mahihirapan ka pang paniwalaan at seryosohin ang mga pangyayari na kung tutuusin ay astig sana. Techie din ang kanilang mga armas ngunit tila nasobrahan sa imagination kaya sa huli ay naging katawa-tawa na lang.

Ang matino lang siguro dito sa pelikula ay ang inihandang aksyon nito na katulad ng ibang Mission: Impossible films ay talaga namang hindi ka madidismaya. Kaso nga lang ay mas maganda ang mga action sequences ni Rebecca Ferguson kumpara kay Cruise na siyang bida ng palabas. May mga pagkakataon ding medyo teknikal ang takbo ng istorya kaya sa tulad kong limitado ang alam sa mga tulad nitong spy organizations o FBI/CIA related groups ay mahirap makasunod.


No comments:

Post a Comment