Poster courtesy of Amazon © Blonde Girl Productions |
3 stars of 10
★★★ ☆☆☆☆☆☆☆
Starring: Sarah Jeffery, Sarah Gilman
Genre: Comedy, Mystery
Runtime: 1 hour, 12 minutes
Director: Suzi Yoonessi
Writer: Kyle Mack, Caitlin Meares, Hanna-Barbera (characters)
Production: Blondie Girl Productions, Blue Ribbon Content
Country: USA
Ang Daphne & Velma ay isang cheap spin-off movie sa Scooby-Doo franchise na nagsubok bigyan ng kuwento ang mga babaeng karakter nito na sina Daphne Blake (Sarah Jeffery) at Velma Dinkley (Sarah Gilman).
Ang istorya ng pelikula ay iikot sa taon bago pa man nabuo ang Scooby-Doo team kung saan dati nang magkaibigan at school mates sina Daphne at Velma. Online friends na maituturing sina Daphne at Velma dahil na rin sa ibang bansa nakatira si Daphne. Ngunit dahil sa trabaho ng ina ay lumipat sa Ridge Valley ang pamilya ni Daphne - sa lugar kung saan nakatira si Velma.
Dito na magsisimula ang isang makulit at magulong pagkakaibigan na pagtitibayin ng isang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan kung saan ang mga top 1 students ng Ridge Valley high ay bigla na lang umaastang tila zombie.
Mula sa cast, setting, costume and design ang nagsusumigaw ang pelikula ng cheap production. Maliban sa kulay ay wala nang resemblance ang mga bida sa minahal nating cartoon characters. Ang personalities na dapat bigyang buhay ng mga artista sa palabas ay sinubukan naman nilang isabuhay ngunit masyadong trying hard ang kinalabasan nito.
Hindi loveable ang mga karakter, pag-iinteresan mo ang misteryong bumabalot sa kuwento ng palabas ngunit kinulang ito ng back-up mula sa isa sanang magandang characterization. Corny ang jokes at inconsistent din ito dahil sa dulo ay bigla na lang itong naging slapstick na siyang parte ng humor ng original Scooby-Doo.
Kung ayaw mong masira ang mga alaala mo sa mga iconic na characters na ito ay huwag mo na lang panoorin ang Daphne & Velma. Wala itong magandang naidulot sa franchise kundi ang sirain ang reputasyon nito. Hindi mo talaga mararanasan ang buong experience ng Scooby-Doo team kapag hindi sila kumpleto.
No comments:
Post a Comment