Poster courtesy of IMP Awards © Wheelhouse Entertainment |
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Mel Gibson, Madeleine Stowe
Genre: Action, Drama, History, War
Runtime: 2 hours, 18 minutes
Director: Randall Wallace
Writer: Randall Wallace, Hal Moore (book), Joseph L. Galloway (book)
Production: Icon Entertainment International, Motion Picture Production GmbH & Co. Erste KG, Wheelhouse Entertainment
Country: USA, Germany
Ang We Were Soldiers ang pagsasabuhay sa naging engkuwentro ng USA at Vietnam sa tinaguriang Vietnam War, Battle of Ia Drang noong 1965. Ang palabas ay mula sa point of view ng Lieutenant Colonel na si Hal Moore (Mel Gibson) at kung ano ang mga naging preparasyon niya at ng kaniyang batalyon sa isang masalimuot na giyera ng kahapon.
Sa simula pa lang ng palabas ay mararamdaman mo na ang tragic na tone ng pelikula. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon nito ng tragic na feeling ay nahirapan akong kumonekta sa mga karakter ng naturang palabas. Wala kasi itong masyadong ibinigay na oras para sa mga taong nakasama sa istorya, Bukod dito ay wala ring ibinigay na sariling pagkakakilanlan ang mga karakter nito upang makapag-iwan ng tatak sa manonood. Sa dami nila ay mahihirapan kang makisimpatya lalo na't hindi lahat ay nabigyan ng maayos na characterization.
Ganoon din ang kinalabasa ng naging labanan sa battlefield. Dahil hindi ka maka-relate sa mga karakter ay para ka lang nanonood ng video game kung saan kaliwa't kanan ang mga kalalakihang nagbabarilan, wala kang maramdamang emosyon sa mga palitan ng bala at agawan ng buhay. Isa pang naging problema ng palabas si Mel Gibson, hindi siya nag-excel sa palabas at nagmistulan siyang one of the guys na walang importanteng role. Walang aabangan sa kaniya.
Ang nakapagbigay kulay na lang sa palabas ay noong nagkaroon ng screen time ang mga asawa ng mga sundalo. Sinamahan pa ng angkop na kanta sa kanilang mga eksena, doon mo lang mararamdaman ang sakit, hinagpis at takot na nais ipadama ng pelikula.
Sa pagtatapos ng We Were Soldiers mo na lang madarama ang lahat kapag pumasok na sa iyo ang realisasyon ng mga pangyayari. Mabigat sa damdamin, masakit lalo na't sa huli ay mapagtatanto mong walang panalo sa nangyaring giyera, lahat ay talo. Dahil na rin ito siguro sa tulong ng karakter Barry Pepper na nagsilbing eye opener sa naging paksa ng palabas.
No comments:
Post a Comment