Search a Movie

Sunday, February 14, 2021

Dante's Peak (1997)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Pierce Brosnan, Linda Hamilton
Genre: Adventure, Thriller
Runtime: 1 hour, 48 minutes

Director: Roger Donaldson
Writer: Leslie Bohem
Production: Universal Pictures, Pacific Western
Country: USA


Ipinadala ang USGS volcanologist na si Harry Dalton (Pierce Brosnan) sa Dante's Peak upang imbestigahan ang hindi pangkaraniwang paggalaw ng mga lupa sa naturang lugar. Dito ay masasaksihan ni Harry ang ilang palatandaan ng nakaambang pagputok ng bulkan. Agad niyang ipinaalam ang kaniyang mga nakalap sa mayor ng Dante's Peak na si Rachel Wando (Linda Hamilton) subalit hindi siya pinaniwalaan ng mga tao sa lugar gayun din ng mga katrabaho ni Harry. Tumalima siya sa utos ng mga nakatataas sa kaniya hanggang sa dumating ang araw na nagkatotoo nga ang kaniyang prediksyon.

Malaki ang naging inspirasyon ng palabas na ito sa pelikulang Jaws (1975), iyon ang una kong napansin habang pinapanood ang palabas. Sa halip nga lang na sa tubig ang setting ay sa lupa nangyari ang kuwento. Imbis na pating ay bulkan ang kalaban. Halos pareho lang ang kuwento, halos pareho lang din ang itinakbo nito, parehong-pareho ang naging conflict. Gayunpaman ay enjoy pa ring panooring ang Dante's Peak dahil nakaka-hook ang naging pakikipagsapalaran ng mga bida sa mga peligrong kanilang kinaharap.

Considering na ginawa ito noong 1997 ay kahanga-hanga ang naging special effetcs ng palabas. Medyo exaggerated nga lang minsan pero makakabuo pa rin ito ng thrill para sa mga manonood, lalo na tuwing nakukulong ang mga bida sa mga imposibleng senaryo at napapahula ka kung papaano nila ito malalampasan.

Okay na ito bilang disaster movie. May aksyon, may thrill, may maayos na cast at magandang special effects, kung ito ang mga bagay na hinahanap mo ay pasado na ang Dante's Peak.



Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment