★★★★ ☆☆☆☆☆☆
Starring: Kris Aquino, Kim Chiu, Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 2 hours, 2 minutes
Director: Chito S. Roño
Writer: Chito S. Roño, Julie Yap-Daza (book)
Production: ABS-CBN Film Productions, Star Cinema
Country: Philippines
Ang buhay ni Georgia Torres (Kris Aquino) ay papunta na sa pagiging perpekto. Maganda, may sariling negosyo, mayaman at maraming kaibigan, ang problema ay isa siyang kabit. Tanggap na ni Georgia ang kaniyang katayuan bilang isang mistress at wala itong problema para sa kaniya. Sa katunayan ay mayroon pa siyang grupo ng mga kaibigan kung saan lahat sila ay 'the other woman.'
Masusubok ang moral ni Georgia sa pagdating ng dalagang si Ina del Prado (Kim Chiu). Si Ina ang kasalukuyang kabit ng pulitikong si Frank Ayson (Zoren Legaspi). Dahil sa kahilingan ng kaniyang kinakasama ay kinakailangang gabayan ni Georgia si Ina upang maging katulad niya... isang perpektong mistress.
Simula pa lang ay hindi na ako pabor sa kung papaano nila i-glorify ang pagiging kabit. Makikita mo sa palabas na ito ang perks na pagiging ikalawang babae ng mga mayayamang kalalakihan - ang pagkakaroon ng marangyang buhay. Binawi naman nila ito sa dulo na sa tingin ko'y ito naman talaga ang layunin ng pelikula. Walang tuntunin sa pagkakaroon ng magandang asal para sa mga kabit dahil sa simula pa lang ay hindi na ito magandang kaugalian. Ipapakita nito ang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat mangabit sa may pamilya na. Gayunpaman ay nag-iwan pa rin ito ng pait para sa aking panlasa lalo na't mas malakas ang iniwan nitong impresyon pagdating sa mga magagandang bagay na nakukuha sa pagiging mistress.
Pagdating sa directing, hindi smooth ang mga naging transitions ng mga jump cuts. Tila walang kaugnayan ang mga eksena sa isa't isa na para bang ipinapakita na lang ito randomly. Maraming isinasamang kaganapan para lang sa mga small talks na wala namang naitutulong sa kuwento o sa development ng mga karakter.
Hindi ko rin nagustuhan ang mga pagganap ng mga artista maliban kay Iza Calzado na siya lang ang naramdaman ko ang karakter. Ang iba ay kung hindi cringey ay parang nagdudula-dulaan lang. Ekis sa akin ang kuwento, hindi rin kahanga-hanga ang aktingan. Overall ay hindi naging maganda ang kinalabasan ng palabas para sa aking opinyon.
Poster courtesy of IMDb.
No comments:
Post a Comment