Search a Movie

Wednesday, February 17, 2021

The Witches (2020)

4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Anne Hathaway, Octavia Spencer
Genre: Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 46 minutes

Director: Robert Zemeckis
Writer: Robert Zemeckis, Kenya Barris, Guillermo del Toro, Roald Dahl (novel)
Production: Warner Bros., ImageMovers,
Country: USA


Nang maulila sa magulang ay nauwi sa pangangalaga ng kaniyang lola (Octavia Spencer) ang isang bata (Jahzir Kadeem Bruno). Sa kanilang lugar ay matututunan ng bata ang kuwento ng mga mangkukulam na galit sa mga batang katulad niya. Ayon sa kaniyang lola, kapag mayroon silang nakasasalamuhang bata ay hindi na nila ito tatantanan hangga't hindi nila ito ginagawang hayop.

Ito ang nangyari sa bata nang isang araw ay may mangkukulam siyang nakaharap. Dali-daling nagtago ang lola at ang kaniyang apo sa isang hotel na hindi nila alam ay ang lugar din kung saan ay magkakaroon ng sariling pagtitipun-tipon ang mga mangkukulam sa kanilang lugar. Muling makakadaupang-palad ng bata ang grupo ng mga mangkukulam kung saan ay maisusumpa ssiya bilang isang daga.

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulang isulat ang opinyon ko sa palabas na ito. Hindi maganda ang pelikula, period. Maganda sana ang kuwento pero sa paraan kung papaano ito ibinahagi ay mga bata lang ang magkakagusto nito, na tingin ko'y siya namang target audience ng pelikula. Sobrang katawa-tawa ang mga pangyayari at negative remark 'yan, hindi positive. May secret society na agaw-atensyon at ni walang karea-reaksyon ang mga tao kahit na nakakakita na sila ng kababalaghan na dapat ay bago ito para sa kanila. Humor pa lang ay hindi mo na talaga seseryosohin ang palabas. Gumamit sila ng mga stereotypical fat jokes para makabuo ng conflict na sa tingin ko'y sobrang lazy writing.

Mas lumala pa ang mga pangyayari pagdating sa climax nito at dito na talaga bumagsak ang kalidad ng pelikula. Mas maganda sana kung ginawang seryoso na lang ang tone ng palabas at nagdagdag ng dark humor tutal ay ginandahan na nga lang nila ang make-up at prosthetics na paniguradong katatakutan din lang naman ng mga batang manonood.

Sinayang nila sina Anne Hathaway at Octavia Spencer na parehong na-downgrade dahil sa palabas na ito. Walang satisfaction na mahihita sa kuwento at feeling ko, mula sa pananaw ng isang bata ay mukhang hindi rin ito papasa dahil panakot sa kanila naman talaga ang orihinal na konsepto nito.



Poster courtesy of IMP Awards.


No comments:

Post a Comment