Search a Movie

Sunday, February 14, 2021

The Missing (2020)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Ritz Azul, Joseph Marco, Miles Ocampo
Genre: Horror
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: Easy Ferrer
Production: Regal Films
Country: Philippines


Isang architect si Iris (Ritz Azul) na kasalukuyang kinakalaban ang kaniyang post-traumatic stress disorder na nakuha dahil sa pagkawala ng kaniyang nakababatang kapatid matapos itong makidnap ng sindikato. Sa paniniwalang tuluyan na nitong nalampasan ang kaniyang PTSD ay pumayag siya sa alok na trabaho sa Japan ng kaniyang dating kasintahang si Job (Joseph Marco). Doon ay makakasama nila si Len (Miles Ocampo) upang i-renovate ang isang lumang bahay na pinaniniwalaang tinitirahan ng masasamang espiritu.

Maganda ang paggamit ng pelikula ng ibang kultura upang magpakilala ng bagong kuwento ng kababalaghan para sa Pilipinong manonood. Ang naging problema nga lang ay wala pa rin itong ipinagbago sa mga tipikal na horror movies. Kumapit pa rin sila sa mga jump scares at nakakatakot na musical scoring para takutin ang mga manonood kahit na sa tingin ko ay nakakatakot naman talaga ang mga multo dito. Kuhang-kuha nila ang wangis ng mga Japanese ghosts, hindi nga lang nila nagamit ang mga ito ng maayos.

Nagustuhan ko kung papaano nila ginawang misteryoso ang bawat karakter upang maging kahina-hinala ang bawat isa at nang sa gayon ay manghula ang manonood kung sino ang may masamang binabalak, kaso nasobrahan ito to the point na apektado na ang goals ng bawat bida. May mga eksena akong napanood na tila walang sense minsan dahil sa magulo nilang storytelling katulad na lang ng out of the blue ay bigla na lang nangangalkal ng gamit si Len sa kalagitnaan ng emergency ng walang context para sa manonood. Ni wala silang ibinigay na hint or at least foreshadowing upang magkaroon ng ideya ang viewers sa kung ano ang nangyayari.

Na-enjoy ko ang climax dahil dito, sa wakas, ay nagkaroon na ng ganap hindi lang sa mga bida kung hindi sa buong istorya. Maganda ang inihandang backstory para sa mga multo o ng nagmumulto kaso ay magulo ang pagkaka-kuwento nito. Kuhang-kuha nila ang tipo ng mga Korean at Japanese horror movies upang huliin ang heartstrings ng manonood kaso ay hindi ito nagawa ng maayos ng pelikula, wala tuloy itong naging impact. Gayun din na wala ring impact ang twist na inihanda para sa mga karakter nila Len at Job dahil katulad ng sinabi ko, hindi sila nagtanim sa simula ng pelikula upang magkaroon sila ng magandang bunga sa katapusan.

Mabuti na lang at maayos ang naging pag-arte ng mga artista sa palabas na ito. Maganda ang bitaw nila sa mga linya nila, natural ang dating kahit na hindi naman gaanong kaganda ang script. Promising ang chemistry nila Azul at Marco kaso sinira ito ng pahabol na rebelasyon sa dulo.



Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment