Poster courtesy of IMP Awards © Netflix |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Sandra Bullock, Trevante Rhodes, Vivien Lyra Blair, Julian Edwards
Genre: Horror, Sci-Fi, Thriller
Runtime: 2 hours, 4 minutes
Director: Susanne Bier
Writer: Eric Heisserer, Josh Malerman (novel)
Production: Netflix, Bluegrass Films, Chris Morgan Productions
Country: USA
Ang Bird Box ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Malorie Hayes (Sandra Bullock) kasama ang dalawang bata papunta sa kaligtas laban sa isang hindi makitang nilalang na dumating sa kanilang lugar limang taon na ang lumilipas, kung saan ang bawat taong makakakita sa kanila ay bigla-bigla na lang nagpapakamatay.
Maihahalintulad ko ang naging kuwento ng Bird Box sa pelikulang The Happening (2008) kung saan ang mga karakter dito ay bigla-biglang nagpapakamatay ng hindi maipaliwanag. Ang kaibahan nga lang ay may ibinigay na rason ang Bird Box kung bakit ito nangyayari, hindi man konkreto subalit mayroong dahilang ipinakita para sa mga manonood.
Maihahalintulad ko ang naging kuwento ng Bird Box sa pelikulang The Happening (2008) kung saan ang mga karakter dito ay bigla-biglang nagpapakamatay ng hindi maipaliwanag. Ang kaibahan nga lang ay may ibinigay na rason ang Bird Box kung bakit ito nangyayari, hindi man konkreto subalit mayroong dahilang ipinakita para sa mga manonood.
Maganda ang naging panimula ng pelikula. Matutunghayan mo dito ang unti-unting pagguho ng isang maayos na sibilisasyon. Ang kaguluhan na sinabayan ng mga "freak" accidents ang magbibigay sa iyo ng adrenaline rush habang nanonood. Subalit simula doon ay unti-unti nang lumagapak ang pelikula. Nagkaroon sila ng tipikal na grupo ng mga survivors kung saan ang mga supporting characters ay one-dimensional at walang naibahagi sa palabas maliban sa pagdating ng kanilang kamatayan nila na siyang magiging shining moment nila. Hindi ito spoiler dahil sa unang limang minuto palang ng palabas ay ipinakita na nila kung papaano ito magtatapos.
Mahina ang naging takbo ng istorya. Bukod sa isang hindi makitang nilalang na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga tao ay wala nang mahuhugot mula rito maliban sa pakikipagsapalaran ng bida sa isang mahabang ilog upang makaligtas. Kung gaano kahina ang kuwento nito ay ganoon din ang mga karakter na bumida rito. Nagmistulang ekstra ang mga supporting characters at forgettable din ang naging karakter ni Rhodes na ang tanging role ay maging kapareha ni Bullock.
Ang pangalan ni Bullock ang magdadala sa pelikula, gayon din ang mga memes na siyang nagpasikat dito sa internet. Gayunpaman, maging si Bullock ay nakakadismaya sa palabas na ito. Isa siyang magaling na aktres subalit hindi ko nakita ang galing niyang ito sa palabas. Naghihintay ako ng eksena mapapa-wow niya ako ngunit hindi ito nangyari. Tila ba bawat tagpo ay pinipigilan niyang ipakita ang kaniyang galing. Sa huli ay nauwi sa pagiging boring ang kaniyang karakter. Kasing boring ng kuwento ng pelikula, kasing boring ng buong pelikula.
Kinulang ng aksyon, kinulang ng thrill, kinulang ng magandang istorya at kinulang ng maayos na karakter. Sumikat lang talaga ito dahil sa memes pero kung tutuusin ay isa lang ito sa mga peliklang gustong magpaka-deep ngunit hindi nagawa ng maayos ang nais nilang gawin.
No comments:
Post a Comment