Poster courtesy of IMDb © Walt Disney Productions |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Julie Andrews, Dick Van Dyke, David Tomlinson
Genre: Comedy, Family, Fantasy, Musical
Runtime: 2 hours, 19 minutes
Director: Robert Stevenson
Writer: Bill Walsh, Don DaGradi, P.L. Travers (novel)
Production: Walt Disney Productions
Country: USA
Panibagong yaya ang kinakailangan ngayon ni George Banks (David Tomlinson) matapos magpaalam sa trabaho ang kanilang huling yaya nang muli na namang tumakas mula sa kaniyang pangangalaga ang mga anak nitong sina Jane (Karen Dotrice) at Michael (Matthew Garber). Sa puntong ito, mula sa kalangitan, ay darating sa buhay ng pamilya Banks ang misteryosang si Mary Poppins (Julie Andrews) na siyang magsisilbing bagong tagapangalaga ng mga bata.
Si Mary Poppins ang magbibigay kulay sa makulit na mundo nila Jane at Michael. Siya rin ang bubuo sa atensyong mahirap nilang makuha mula sa istrikto nilang ama. Ngunit maliban sa mga bata ay isang importanteng leksyon din ang matututunan ni George mula kay Mary Poppins.
Sa totoo lang ay hindi ako tagahanga ng mga pelikulang musikal pero marunong akong magbigay halaga sa mga ganitong tipo ng palabas lalo na kung mayroon itong magandang musika na angkop at bagay sa tema ng pelikula. Maganda at iconic nang maituturing ang mga kantang nagmula sa Mary Poppins dahil tunay namang mapapa-indak ka sa mga kantang ginamit dito. Paaangatin nito ang iyong diwa at pasisiyahin ang kalooban mo. Ang hindi ko lang nagustuhan ay masyado itong mahaba, halos 80% ng palabas ay binubuo ng mga musical sequence at katiting na kuwento lang ang ibibigay sa iyo. Kumbaga sa pansit, puro ito noodles at kaunti lang ang sangkap.
Bukod sa pagiging mahaba ay hindi ko rin gaanong na-enjoy ang choreography ng mga sayaw na medyo exaggerated kung minsan lalo na sa parte ng rooftop. Alam kong masaya ang kanta, subalit nasobrahan sa pagiging masaya ang mga sayaw nito. Habang nanonood ay maaari ka pang magmulti-task dahil puwede mong gawing background music ang musical scenes habang ginagawa ang iba pang nais mong gawin, na para sa akin ay hindi magandang ugali kapag nanonood ng pelikula, dahil lampasan mo man ito ay wala naman itong maitutulong ang ilan sa kuwento.
Ito lang naman ang mga parteng hindi ko nagustuhan sa palabas. Kung ang mga bagay na nagustuhan ko naman ang pag-uusapan ay si Andrews ang una kong kikilalanin. Naisakatawan niya ang karakter ni Mary Poppins, mystical, mabait na hinaluan ng pagiging istirkto. Kung ako ay isang bata ay tiyak na gugustuhin ko rin siyang maging yaya. Katulad niya ang pinapangarap ng mga kabataan, mapaglaro ngunit sumusunod parin sa mga patakaran.
Maganda rin ang naging kuwento ng Mary Poppins na ang naging sentro ay ang pagbibigay importansya ng pamilya sa bawat isa lalo na ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maikli lang ang istorya pero straight to the point. Kung tutuusin, alisin mo ang musical ay magmimistulang short film ang Mary Poppins.
Hindi rin ako fan ng naging animation nito pero kailangan ding i-konsidera na taong 1964 ito ginawa kaya kudos pa rin sa nasa produksyon ng pelikula sa pagbibigay ng magical element ng palabas sa kabila ng pagkakaroon ng kakulangan sa special effects nang mga taong iyon.
Hindi ko inaasahan na mapapamahal ako sa mga karakter ng palabas sa pamamagitan lang ng mahigit dalawang oras. Mararamdaman mo ito sa pagtatapos ng kuwento kung kailan natapos na ni Mary Poppins ang kaniyang trabaho. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit itinuturing na calssic ngayon ang naturang pelikula. Maraming kabataan ang lumaki at kinilala si Mary Poppins bilang isa sa mga paborito nilang karakter. Hindi man gaanong umubra sa aking panlasa ang ipinakita ng pelikula ay iginagalang ko pa rin ang naiambag nito sa industriya at sa mga taong patuloy na nagmamahal sa misteryosang si Mary Poppins.

No comments:
Post a Comment