Poster courtesy of IMP Awards © Illumination |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Benedict Cumberbatch, Cameron Seely
Genre: Animation, Comedy, Family
Runtime: 1 hour, 26 minutes
Director: Scott Mosier, Yarrow Cheney
Writer: Michael LeSieur, Tommy Swerdlow, Dr. Seuss (story)
Production: Universal Pictures, Illumination
Country: USA
Pasko ang pinakasusuklamang parte ng taon ng Grinch (Benedict Cumberbatch), taliwas sa kaniyang mga kanayon na Pasko ang pinaka-ipinagdiriwang araw sa kanilang lugar. Dahil sa pansariling poot, ay susubukang sirain ng Grinch ang Pasko kasama ang kaniyang alagang si Max. Ngunit isang bata ang hahadlang sa planong ito, si Cindy Lou (Cameron Seely) na ang tanging hiling ngayong Pasko ay matulungan ang kaniyang ina.
Hindi ko pa nababasa ang original source material ng The Grinch at ang tanging basehan ko lang tungkol sa kaniya ay ang pelikulang ipinalabas noong 2000 na ngayon ay isa na sa mga klasiko at iconic na pelikulang ginawa sa nagdaang dekada.
Bago ko pinanood ang The Grinch ay inakala ko na animated version lang ito ng naunang pelikula subalit laking dismaya ko nang mapanood ko ang palabas at makitang pinalitan ang buong kuwento nito maliban sa dalawang bida at ang tema nito. Ngunit gayunpaman ay bibigyan ko ng kritisismo ang pelikula bilang stand-alone film at susubukang huwag gumawa ng comparison sa dalawang pelikula.
Sobrang babaw ng naging rason ng Grinch kung bakit niya kinakasuklaman ang Pasko. Nagmukha siyang entitled brat na ginawang karapatan ang pagiging masama dahil sa kakulangan niya ng aruga sa kaniyang pagtanda. Para siyang teenager na nagrerebelde dahil nasa iba ang atensyon ng kaniyang mga magulang. Mahirap maki-simpatya at mahirap intindihin ang naging rason nito.
Maganda ang animation The Grinch, makulay at magaan sa mata subalit hindi nito nakuha ang kakaibang selebrasyon ng Whoville sa Pasko. Parang naging normal lang itong bayan na nagdiriwang ng kapaskuhan. Ang weird ding panoorin ang hindi pangkaraniwang sukat ng katawan ni Cindy Lou na parang dalawang-taong gulang na may pang-sampung taong gulang na boses.
Ang tuluyang sumira sa palabas ay pag-alis nila ng koneksyong namagitan sa batang si Cindy Lou at sa Grinch. Maging ang desisyong gawing nobody ang bida na dapat ay siya ang pinaka-kinakatakutan sa lugar dahil sa kakayahan nitong sumira sa diwa ng Pasko.
Hindi perpekto ang naging kuwento ng The Grinch Who Stole Christmas subalit sa naging bagong version nito ay mas bumaba at pumangit pa kalidad nito. Mas naging cheesy at naging corny. Para bang ginamit lang nila ang pagiging sikat ng karakter ng Grinch upang gumawa ng ibang kuwento at mkakauha ng interesadong manonood. Kung pinalitan din lang naman nila ang 80% ng naunang kuwento ay edi sana'y gumawa na lang sila ng spin-off o bagong kuwento kaysa sirain ang kuwentong binuo ng Grinch who hates Christmas.
No comments:
Post a Comment