Poster courtesy of IMP Awards © TriStar Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Tom Hanks, Meg Ryan
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Nora Ephron
Writer: Jeff Arch, Nora Ephron, David S. Ward
Production: TriStar Pictures
Country: USA
Matapos mamatay ang asawa mula sa sakit na kanser ay sinubukang magsimula ng panibagong buhay ang arkitektong si Sam Baldwin (Tom Hanks) kasama ang anak nitong si Jonah (Ross Malinger) sa Seattle. Subalit lumipat man ng tirahan ay ramdam ni Jonah ang naging pagbabago ng kaniyang ama. Hindi rin nakatulong ang oras dahil isa't kalahating taon na ang lumipas ay nasa mga mata pa rin ni Sam ang lungkot dahil sa pagpanaw ng kaniyang minamahal.
Ito ang nagtulak kay Jonah upang humingi ng tulong sa isang radio station upang hanapan ng isang bagong babaeng mamahalin ang kaniyang ama. Lalabas sa ere ang kuwento ni Sam at isa sa mga makakarinig nito ay ang dalaga at kasalukuyang engaged na si Annie Reed (Meg Ryan). Mata-touched si Annie sa naging kuwento ni Sam at simula noon ay hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan ang misteryosong biyudo.
Ito ang pelikulang pakikiligin ka kahit na walang interaction ang dalawang bida sa isa't-isa. Nasa magkalayong lugar man sila at ni hindi pa nagkikita ay susuportahan mo na agad ang kanilang pagkakapareha, kahit na ang isa ay mayroon pang kasalukuyang kinakasama. Ganito ang isang magandang chick flick. Paniniwalaain ka sa destiny at sa mahika ng pag-ibig.
Sakto lang ang humor nito na magmumula sa mga karakter nila Ryan at Hanks. Sapat lang upang gawing light ang pelikula, hindi OA at exaggerated. Simple lang din ang kuwento na maaaring relatable sa ilan.
Ang naging isyu ko lang dito sa palabas ay ang ilang pangyayaring mahirap paniwalaan sa totoong buhay tulad na lamang ng mag-isang pagbiyahe ng bata sa eroplano. Ito iyong mga tipo ng kaganapang makakabuo ng ilang loopholes. Gayunpaman, kapag inalis mo ang pagiging "makakatotohanan" nito at sabayan mo lang ang pelikula sa direksyon ng kuwento nito ay tiyak na mai-enjoy mo ang palabas.

No comments:
Post a Comment