Poster courtesy of IMP Awards © Silver Reel |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Glenn Close, Jonathan Pryce
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 39 minutes
Director: Björn Runge
Writer: Jane Anderson, Meg Wolitzer (novel)
Production: Silver Reel, Meta Film, Anonymous Content, Tempo Productions, Embankment Films, Creative Scotland, Spark Film & TV
Country: Sweden, United Kingdom, USA
Nobel Prize, isa ito sa pinaka-prestihiyosong award-giving body sa buong mundo. Kaya naman laking tuwa ng mag-asawang sina Joan (Glenn Close) at Joseph Castleman (Jonathan Pryce) nang matanggap nila ang balitang isa si Joseph sa mga magkakamit ng naturang parangal para sa larangan ng literatura.
Sa kabila ng napakagandang balita ay mapapatanong si Joan sa kaniyang sarili kung tama ba ang mga naging desisyon nito sa buhay. Sa kanilang pagpunta sa Stockholm ay unti-unting lalabas ang sikreto sa buhay ni Joan na tanging sila ng kaniyang asawa lamang ang nakaka-alam.
Katangi-tangi at kahanga-hanga ang ipinakitang pag-arte ni Close sa palabas na ito. Siya lang ang hahangaan mo sa buong pelikula dahil sa naging makatotohanan nitong pagganap. Sa panimula pa lamang ay bubungad agad sa iyo ang galing ng beteranang aktres. Sa kabila ng pagiging masaya ng kaniyang karakter ay makikita mo sa kaniyang mga mata ang isang itinatagong problema na tanging masasagot lamang kapag tinapos mo ang pelikula. Ito ang nagbigay sa akin ng interes upang ipagpatuloy ang palabas. Gusto kong malaman kung ano ang mayroon sa likod ng mga malulungkot nitong mata na pilit itinatago ng mga nakangiti niyang labi.
Matapos akong pahangain ni Close ay sunod naman akong napapalakpak sa istoryang ibinahagi ng The Wife. Aakalain mo na sa kuwento lamang ni Joseph Castleman iikot ang kuwento at sa paglalakbay nito tungo sa pinaka-aasam na Nobel Prize ngunit mayroon pa pala itong mas malalim na kuwentong nais ipamahagi.
Kung isa man ako sa mga botante ng Oscars ay tiyak na iboboto ko ang The Wife bilang Best Picture at papanalunin ko si Close bilang Best Actress dahil karapat-dapat sila para sa mga parangal na ito. Mayroon itong magandang kuwento at magagaling na artista. Ito ang pelikulang aakalain mong may simpleng kuwento pero sa katunayan ay mas malalim pa ito kumpara sa mga pretentious na pelikulang nagpapaka-deep. Bibigyan nito ng ibang kahulugan ang salitang "martir."
No comments:
Post a Comment