Poster courtesy of IMP Awards © Killer Films |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Ethan Hawke, Amanda Seyfried
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Paul Schrader
Writer: Paul Schrader
Production: Killer Films, Fibonacci Films, Arclight Films, Big Indie Pictures, Omeira Studio Partners
Country: USA
Ang ika-250th na anibersaryo ng First Reformed Church ang pinaghahandaan ngayon ng pastor na si Ernst Toller (Ethan Hawke). Subalit nang dumating sa kaniyang buhay ang environmental activist na si Michael Mensana (Philip Ettinger) at ang buntis nitong asawa na si Mary (Amanda Seyfried) ay biglang magugulo ang kaniyang buhay. Sumabay pa rito ang kaniyang pakikipagsagupa sa sariling karamdaman at pagkamatay ng anak, dito masusubok ang kaniyang pananampalataya sa Panginoon.
Ang unang bubungad sa'yo sa palabas na mahirap hindi pansinin ay ang aspect ratio nito. Creative subalit tingin ko'y hindi na kinakailangan. May dahilan kung bakit nag-improve ang aspect ratio ng mga pelikula at ito ay upang mas mapaganda ang bawat movie experience. Hangang-hanga pa naman ako sa naging cinematography ng First Reformed, napaka-poetic ng dating. Nakatulong ang pagiging static ng mga shots na para bang bawat tagpo ay mistulang galing sa isang painting. Hindi man gumagalaw ang mga kamera ay napakaraming nangyayari sa screen, bukod sa eksena ng bida ay may mga bagay ding nagbibigay ng pahiwatig sa mga maaaring sunod na mangyari tulad na lamang ng isang upuan sa gitna ng kuwarto na naging implikasyon ng pagdating ng isang karakter.
Bukod sa sinematograpiya ay humanga din ako sa naging kuwento ng palabas. Tungkol ito sa pulitika at relihiyon na ang sentro ay ang unti-unting pagkasira ng ating planeta. Mapapatanong ka tuloy sa sarili mo kung ano na ba ang nagawa mo para sa ating mundong tinitirahan. Ang nagustuhan ko dito ay hindi masyadong naging in-your-face ang pagpaparating nila ng mensahe ng pelikula.
Isa pang bumida dito ay si Hawke. Sa galing ng pag-arte na kaniyang ipinamalas ay hihimukin ka niya sa kaniyang ipinaglalaban. Mas dama mo ang punto ng pelikula dahil sa kaniyang natatanging pagganap. Sa kabilang banda naman ay medyo nakulangan ako sa mga ipinakita ni Amanda Seyfried. Dahil sa kakulangan ng mga emosyong kaniyang ipinadama ay nagduda tuloy ako kung totoo ba ang mga ipinapakita ng kaniyang karakter at parte lang ito ng pelikula o hindi lang talaga maganda ang kaniyang pag-arte.
Maganda ang nais iparating ng First Reformed, medyo mabagal ang naging pacing ng kuwento nito subalit para naman ito sa isang mahalagang paksa. Hindi pure entertainment ang dala ng palabas kundi isang malaking realisasyon. Maaaring hindi ito magustuhan ng mga taong ang hanap ay panandaliang saya dahil mahirap itong makapa sa pelikula pero para sa ikauunlad ng ating kapaligiran ay sulit ang igugugol mong oras sa pag-intindi dito.
PS. Bitin nga lang ang naging ending nito. Hindi nito naibigay ang satisfaction na hinihingi ko.
No comments:
Post a Comment