Poster courtesy of IMP Awards © Zip Cinema |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Yoo Ah-in, Park Shin-hye
Genre: Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 38 minutes
Director: Cho Il-hyung
Writer: Cho Il-hyung, Matt Naylor
Production: Zip Cinema, Perspective Pictures
Country: South Korea
Isang hindi maipaliwanag na karamdaman ang biglang kumalat sa lugar na tinitirahan ng online gamer na si Oh Joon-woo (Yoo Ah-in), kung saan ang mga apektadong tao ay bigla na lang inaatake ang mga inosenteng hindi pa nahahawaan ng misteryosong sakit.
Walang kasama sa kaniyang tirahan ay iiwasan ni Joon-woo ang makipagsapalaran para sa kaniyang kaligtasan. Mananatili siyang mag-isa sa kaniyang tinitirahan sa pag-asang makapaghihintay siya ng mga taong tutulong sa kaniya. Gamit ang mga gadgets na kaniyang pagmamay-ari ay susubukan niyang makipagpatayan sa mga zombie na nagnanais pumasok sa kaniyang santuwaryo.
Kung kailan unti-unti nang nauubos ang dalang pag-asa ni Joon-woo ay saka niya makikilala ang dalagang si Kim Yoo-bin (Yoo Ah-in) na katulad niya ay mag-isa ring nagtatago sa kaniyang apartment na makikita sa katapat nitong gusali.
Napaka-millenial ng dating ng pelikula dahil sa palabas na ito mo makikita na ang mga high end gadgets at online medias ang gagamitin para makapag-survive sa isang zombie apocalypse. Makaka-relate ang manonood dito dahil sa panahon ngayon ay halos sa mga gadget na ito na tayo nabubuhay.
Ipapakita ng kuwento ng #Alone ang isa pang paraan sa pagharap sa mga zombie at ito ay ang pagtatago. Maganda sana ang naisip nilang konsepto nito ngunit wala silang naipakitang espesyal sa istorya upang magkaroon ng tatak sa mga manonood. Mahina ang layunin ng bida, kinulang ng conflict ang istorya at wala ring gaanong ganap sa mga karakter para sana magkaroon ng emotional investment ang isang manonood.
Wala ding chemistry sina Ah-in at Shin-hye. Hindi rin sila nabigyan ng maayos na materyal upang maipakita ang galing nila sa pag-arte. Kung ako ang tatanungin ay madaling makalimutan ang mga pangyayari sa naturang pelikula. Bukod sa walang masyadong aksyon ay may mga eksena ring bigla-bigla na lang nangyayari nang walang eksplinasyon.
Paiba-iba rin ng ugali ang mga zombie. Maliksi, matalino ang mga ito kapag extra lang ang kanilang hinahabol subalit pagdating sa mga bida ay tila ba nahahati ang kakayanan nila sa paghahabol sa kanilang biktima.
Sabihin na nating maganda naman ang costume at make-up pero hindi ito sapat lalo na't hindi ko rin nagustuhan ang naging katapusan nito. Mas papabor pa sana ako sa last resort na naisip ng mga bida kaysa sa napag-desisyunang ending ng mga writers nito. Masyado kasi itong cheesy at cliche kung ako ang tatanungin.
Maganda sana ang materyal kung ipinagpatuloy nila ang paggamit ng social media upang maka-survive. Nauwi kasi ang pelikula sa tipikal na habulan at banatan sa pagitan ng mga bida at mga zombie kaya sa halip na maging kakaiba ay naging tipikal lang ito. Hindi naging mabenta para sa akin ang itinakbo ng istorya.
No comments:
Post a Comment