Poster courtesy IMP Awards © Blumhouse Productions |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Betty Gilpin, Hilary Swank
Genre: Action, Thriller
Runtime: 1 hour, 30 minutes
Director: Craig Zobel
Writer: Nick Cuse, Damon Lindelof
Production: Universal Pictures, Blumhouse Productions, White Rabbit Productions
Country: USA
Ano ang gagawin mo kung isang araw ay bigla ka na lang magising sa isang malawak na parang, may busal sa bibig at walang kaalam-alam kung saang lugar ka naroroon? Ganito ang nangyari sa dalagang suot ang nametag na Yoga Pants (Emma Roberts) kasama ang labing-isang estranghero na tulad niya ay walang kamalay-malay sa kung ano ang pakay ng mga taong dumukot sa kanila. Mapagtatanto na lamang ng grupo na nasa panganib na ang buhay nila nang gawin silang target sa isang malawakang pangangaso ng mga elitistang ang hangarin ay ang maghiganti.
Unang labinlimang minuto pa lamang ay gugulatin ka na sa hindi inaasahang pangyayari. Ang konsepto nito kung saan pinaglalaruan lamang ng mga mayayaman ang taong nasa kanilang ibaba ay hindi na bago, pero nagawa pa rin ng The Hunt na magbigay ng sariling tatak sa mga manonood dahil sa dark humor nito.
Ang pagiging satire ng palabas ang magbubuhat dito. Idagdag mo pa ang pagiging unpredictable nito, at least sa unang tatlumpong minuto. Nagustuhan ko ang low key na tirada nila sa mga taong masyadong sensitive at kailangang palaging politically correct ang bawat isa na siyang ginawa nilang kontrabida sa naturang palabas. Mahahagip nito ang mga isyu ng homophobia, climate change, gun control, racism at kung anu-ano pa.
Pagdating sa huling kalahati ng pelikula kung saan ay makikilala na kung sino ang bida at ipapaalam na ang dahilan ng conflict ng pelikula ay medyo naging predictable na ang mga susunod na pangyayari. Napakababaw din ng rason kung bakit nabuo ang "the hunt," masyadong mahina upang magsimula silang kumitil ng buhay ng tao.
Overall ay matutuwa ka sa dahil sa satirical comedy na dala nito gayun din na gugulatin ka sa simula pa lang. Hindi rin sila magpapakabog sa pagiging bayolente ng palabas dahil kita ang bawat dugo, bawat laman at utak sa mga maaaksyong labanan na nahahawig ang tipo sa pelikulang The Purge. Bukod dito ay astig rin ang bida na isa sa pinakamagandang nangyari sa palabas.

No comments:
Post a Comment