Search a Movie

Saturday, September 5, 2020

Fantasy Island (2020)

Poster courtesy of IMP Awards
© Blumhouse Productions
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Lucy Hale, Maggie Q, Michael Peña
Genre: Fantasy, Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Jeff Wadlow
Writer: Jeff Wadlow, Chris Roach, Jillian Jacobs, Gene Levitt (TV series)
Production: Columbia Pictures, Blumhouse Productions
Country: USA


Limang estranghero ang nabigyan ng pagkakataong bisitahin ang misteryosong isla na tinatawag na Fantasy Island. Ito ang lugar kung saan 'di umano nagkakatotoo ang mga inaasam na pantasya ng mga taong nakatutuntong dito.

Ang magkapatid na sina Brax (Jimmy O. Yang) at J.D. (Ryan Hansen) ay simpleng pagkakaroon ng lahat ang kagustuhan sa buhay na agad nilang nakamit nang gabing din iyon. Pantasya naman ng businesswoman na si Gwen (Maggie Q) ang makabuo ng pamilya mula sa dati nitong kasintahan na ipinagtulakan niya palayo nang magpropose ang binata sa kaniya. Ang makabawi sa kaniyang high school bully ang nais ng dalagang si Melanie (Lucy Hale) at ang pangarap na maging sundalo naman ang gustong maranasan ng pulis na si Patrick (Austin Stowell).

Ang lahat ng mga pantasyang ito ay maibibigay ng isla ngunit ang hindi nila alam ay kung paano at saan mauuwi ang mga naturang kahilingan na ito. Dito na magsisimulang magbago ang takbo ng kuwento nang mapansin ng mga bidang ang inaasam nilang pantasya ay unti-unti nang nagiging bangungot.

Gusto ko ang ideya sa likod ng milagrosong isla na kayang ibigay ang pantasya ninuman. Hindi ako pamilyar sa TV series kung saan ito ibinase pero ang alam ko ay mas ginawa nila itong dark upang pumasok sa genre nitong horror-thriller. Maganda ang pagiging diverse ng mga fantasy ng karakter sa pelikula, mayroong paghihiganti, pagtatama sa pagkakamali, at pagdanas sa mga bagay na 'di abot ng ating mga kamay.

Naaaliw ako sa panonood nito dahil sa mga magkakasunod na twists and turns sa istorya. Sa kabila ng mga tila ba simpleng pantasya ng mga bida rito ay para silang sibuyas na mayroon pang mas malalim na ipinaglalaban at kailangang balatan. Dahil dito ay mas naging kapana-panabik ang mga takbo lalo na't hanggang sa nalalapit nitong katapusan ay hindi pa rin nito ipinapakita ang tunay na motibo ng Fantasy Island. Ang mga twists na tinutukoy ko ang dahilan kung bakit mas gumanda ang climax ng pelikula. Gayunpaman ay dahil sa mga sunud-sunod na pasabog dito ay medyo nababawan ako sa pinakahuling rebelasyon sa kuwento, dahilan upang maapektuhan ang kabuuan ng istorya.

Kasama rin sa mga hindi ko nagustuhan dito sa Fantasy Island ay ang mga jump scares para lang masabing nakakatakot ang palabas. Para sa akin ay ayos na ang pagiging creepy ng isla at pagkakaroon ng mga bagay na mahirap maipaliwanag upang takutin psychologically ang mga manonood. Hindi na kailangang manggulat pa para masabing natakot ka.

Hindi ko rin binili ang pagiging diverse ng cast. Nakakatawa lang at sa tingin ko'y medyo pretentious sa aking panlasa na mayroong Asian, White, Black, Latino at maging LGBT sa buong cast na hindi naman sana problema kung hindi lang umaalingasaw ang pagiging trying hard nila upang tumalima sa pagkakaiba-iba ng lipunan.


No comments:

Post a Comment