★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Margot Robbie, Mary Elizabeth Winstead, Jurnee Smollett-Bell, Rosie Perez
Genre: Action, Adventure, Crime
Runtime: 1 hour, 49 minutes
Director: Cathy Yan
Writer: Christina Hodson
Production: Clubhouse Pictures, DC Entertainment, Kroll & Co. Entertainment
Country: USA
Hiwalay na sina Harley Quinn (Margot Robbie) at ang kinakatakutang nobyo nito na si Joker. Para kay Harley ay tila ba isa itong bangungot pero para sa mga taong naninirahan sa Gotham City ay isa itong magandang balita. Isa lang ang ibig sabihin nito para sa mga taong inagrabyado ng dating magkasintahan, maaari na silang bumawi kay Harley para sa mga kasalanang nagawa nito ngyong wala nang ma-impluwensyang tao ang pumoprotekta sa kaniya.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagtatago mula sa mga taong nais maghiganti kay Harley ay makakabuo siya ng isang grupo ng mga kababaihan na ang magiging misyon ay iligtas ang buhay ng isang batang pinaghahanap ng isang notorious na crime leader.
Isa sa mga masasabi kong coolest character mula sa comics si Harley Quinn na lalong pinaganda ni Robbie dahil sa astig nitong pagsasabuhay sa naturang karakter na para bang ginawa ito para sa kaniya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tila ba hirap silang bigyan siya ng isang magandang pelikula. Simula't sapul ay mayroon nang hatak ang karakter ni Harley pero nakakalungkot na maging itong Birds of Prey kung saan siya ang bida ay naging mahina pa pagdating sa kuwento.
Hindi nakakamangha para sa aking panlasa ang kinalabasan ng pelikula. Hindi ko nagustuhan na nahati pa ang pokus ng palabas kay Harley at sa iba pang hindi naman gaanong ka-interesanteng bida. Bukod kay Black Canary (Jurnee Smollett-Bell) na kaya ring dalihin ang sarili pagdating sa ka-astigan ay wala nang iba pang kaabang-abang sa cast. Nakabuo sila ng misteryosong karakter sa pamamagitan ni The Huntress (Mary Elizabeth Winstead) pero nauwi lang siya sa pagiging comic relief. Babanggitin ko pa ba si Renee Montoya (Rosie Perez) na tingin ko'y miscast at parang boomer na nagpapaka-millenial?
Hindi impressive ang naging takbo ng istorya. Nakaantok ang narrative, dragging pero sa parehong pagkakataon ay makalat. Hindi mo alam kung gusto ba nila itong gawing Harley Quinn movie o ala-Suicide Squad na pelikula ng isang grupong ang layunin ay makagawa ng kabayanihan sa kabila ng kanilang masamang imahe.
Visually ay maganda naman ang Birds of Prey subalit hanggang doon na lang talaga ang ikinaganda nito. Ang ayoko lang ay ginawa nilang bugok ang mga kalaban para lang palabasin na malakas ang mga bida. Baril laban sa baseball bat? Aesthetically ay nakakaakit ang baseball bat para kay Harley Quinn pero pagdating sa giyera, walang-wala itong binatbat sa baril, #RealTalk.
Maliban kay Harley Quinn ay wala nang ibang maganda sa palabas. Corny din ang naging humor dito maliban na lang kung si Harley mismo ang nagbitaw biro. Sa madaling sabi, she is such a mood. Kung bakit kasi ay siyang gawan ng maayos na pelikula kung saan siya ang tunay na umaangat at hindi sa isang grupo kung saan kailangan pa niyang nakawin ang spotlight.
Poster courtesy of IMP Awards.
No comments:
Post a Comment