★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Rosa Salazar, Keean Johnson, Christoph Waltz
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 2 minutes
Director: Robert Rodriguez
Writer: James Cameron, Laeta Kalogridis, Yukito Kishiro (manga)
Production: Twentieth Century Fox, Lightstorm Entertainment, Troublemaker Studios
Country: USA
Sa isang post-apocalyptic na mundo ay matutuklasan ng scientist na si Dr. Dyson Ido (Christoph Waltz) ang isang sirang cyborg kung saan ay mayroon pang nakakabit na buo at gumaganang utak dito. Iuuwi ni Ido ang naturang cyborg upang bigyan ito ng bagong katawan na papangalanan niyang Alita (Rosa Salazar).
Sa kaniyang pagkamulat ay walang memorya na maaalala si Alita mula sa kaniyang nakaraan. Mamumuhay siya bilang isang norman na teenager at kakaibigan nito ang binatang si Hugo (Keean Johnson) na ang pangarap ay manirahan sa mayamang bayan ng Zalem. Sa kaniyang paghahanap sa tunay niyang pagkatao ay susubukan ding tulungan ni Alita si Hugo sa kaniyang pangarap. Kasabay nito ay kailangan din niyang kilalanin ang mga taong nasa likod ng nagnanais na itago kaniyang pagkatao.
Ang unang mapapansin mo sa palabas ay ang napakagandang visuals sa kabila ng pagiging apocalyptic nito. Napakaganda ng pagkakagawa sa CGI na bida. May mga pagkakataong mapapaniwala kang totoong tao si Alita kung hindi lang dahil sa mga mata nitong magpapaalala sa iyo na animated lang pala siya.
Pagdating sa istorya, hindi ko maintindihan kung ang main goal ba ng bida ay ang hanapin ang kaniyang nakaraan o tulungan ang kaniyang minamahal na makatuntong sa Zalem. Kung ang huli ang susundin, ironic lang ang dating para sa isang bidang babae na palaban. Pakiramdam ko ay parang hindi natapos ang istorya ng Alita: Battle Angel. Alam kong isang manga series ang source material ng pelikula pero kung titignan ito sa punto ng isang standalone film ay maraming bagay ang hindi natapos lalo na ang kuwento ni Alita. Siguro'y mas maganda kung naging series na lang ito sa halip na pelikula dahil pagkatapos mong panoorin ang palabas ay para ka lang nanood ng isang episode ng serye dahil sa cliffhanger nito na hindi mo alam kung itutuloy pa ba o hindi.
Hindi ako fan sa naging love story nila Alita at Hugo. Kulang sa development upang maramdaman ko bilang isang manonood ang pag-iibigan nilang dalawa. Medyo cheesy ang dating lalo na't napakaangas ng action scenes na siyang pinaka-highlight ng pelikula. Ang mga labanan kung saan bida si Alita ang bubuhay sa pelikula at hindi ka madidismaya dito dahil sa magandang stunts at choreography ng bawat sagupaan.
Poster courtesy of IMP Awards.
No comments:
Post a Comment