Search a Movie

Tuesday, October 20, 2020

Armour of God (1986)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Jackie Chan, Alan Tam, Lola Forner
Genre: Action, Comedy
Runtime: 1 hour, 28 minutes

Director: Jackie Chan, Eric Tsang
Writer: Jackie Chan, John Sheppard, Eric Tsang
Production: Golden Harvest Company, Golden Way Films Ltd., Jadran Film
Country: Hong Kong


Dating miyembro ng isang pop group si Jackie (Jackie Chan) na kilala na ngayon bilang ang Asian Hawk matapos nitong pasukin ang treasure hunting. Dahil sa trabaho nito kung kaya siya muling nilapitan ng dating kaibigan at kagrupo na si Alan (Alan Tam) upang hingiin ang tulong nitong iligtas ang nobyang si Lorelei (Rosamund Kwan), na dati rin nilang kagrupo, matapos makidnap ang dalaga kapalit ng tatlong legendary armour na tinatawag na "Armour of God."

Ang tanging naisip na paraan ni Jackie upang mailigtas si Lorelei ay ang makipagsundo sa European Count na si Bannon, ang kasalukuyang may hawak ng tatlong Armour of God, upang hiramin ang kaniyang yaman kapalit ang dalawa namang armour na hawak ng kultong kumuha kay Lorelei.

Punung-puno ng 80's action movie element ang Armour of God. Makikita mo rito ang mga mahahabang habulan na halos lahat ng nasa paligid ay kailangang banggain at sirain, mayroong hot leading lady, nakakatawang side kick at mga cheesy sound effects. Hindi naman problema ang mga ito para sa akin dahil nga 80's movie naman ang naturang pelikula.

Ang naging problema ay medyo boring ang naging takbo ng kuwento. Kung tutuusin ay mayroon itong magandang plot pero hindi nga lang naging maayos ang storytelling nito. Magulo ang editing. May mga cuts, transitions at continuity na masyadong malalaki ang nilalampasang eksena. May mangilang-ilang loopholes ka na mapapansin pero kung aksyon lang naman ang hanap mo ay puwede na itong palampasin.

Hindi rin maganda ang dialogue kaya minsan ay nagiging corny ang mga punchlines. Gayun pa man ay aaminin ko na maraming eksena kung saan ay nagshine si Tam dahil sa mga nakakatawang antics nito. Hindi rin nakatulong na hindi marunong umarte ang ilan sa cast.

Matumal ang action scenes sa first half ng pelikula pero nakabawi naman sila sa huling parte kung saan ay ipinamalas na ni Chan ang galing nito sa aksyon. Gumanda ang mga pangyayari nang mawala sa eksena si May Bannon (Lola Forner) at pumalit dito si Kwan. Maganda ang naging chemistry nilang tatlo nila Chan at Tam at sa parteng ito ko lang na-enjoy ang pelikula.

Sa pangkalahatan ay isa nang classic film ang Armour of God na tiyak na magugustuhan ng mga tagasubaybay ng mga action flicks. Katulad ng inaasahan ay hindi ka madidismaya kay Chan kahit na hindi maganda ang pagkakasulat ng love story nito kay Forner na hirap na hirap umarte.


Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment