Poster courtesy of Han Cinema © Film Line |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Kim Myung-min, Byun Yo-han
Genre: Drama, Fantasy, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 30 minutes
Director: Cho Sun-ho
Writer: Cho Sun-ho, Lee Sang-hak
Production: Film Line
Country: South Korea
Isang sikat na duktor si Kim Joon-young (Kim Myung-min) ngunit simula nang maging volunteer doctor ito ay unti-unti na siyang nawalan ng oras sa kaniyang unica hija na si Eun-jung (Jo Eun-hyung). Kaya naman sa araw ng kaarawan ng kaniyang anak ay gusto niyang bumawi dito. Subalit habang pauwi ay isang aksidente ang kaniyang inabutan. Isang taxi ang tumama sa konkreto matapos makasagasa ng pedestryan.
Bilang isang duktor ay agad umaksyon si Joon-young at sinubukang isalba ang driver. Nang sunod nitong lapitan ang pedestryan na nabangga ay halos mawasak ang puso nito nang makita ang anak na nakahandusay sa gitna ng daan, duguan at wala nang buhay. Hindi doon nagtapos ang kalbaryo ni Joon-young dahil araw-araw sa pagpatak ng alas-dose y medya ng tanghali ay uulit muli ang mga pangyayari. Ito ang nakita ni Joon-young na pagkakataon upang maisalba ang nag-iisang anak sa kamatayan.
Hindi ang A Day ang kauna-unahang pelikula na gumamit ng konsepto ng pabalik-balik sa kaparehong araw, oras at mga pangyayari na istorya. Sa katunayan ay naging overused na ito hindi lang sa mga Asian films kundi maging sa Hollywood films. Pero kahit hindi na orihinal ang naging tema nito ay nagawa ng pelikulang gawing nakakamangha, kakaiba at punong-puno ng panggulat ang palabas.
Mayroon itong getting-to-know the character na simula na medyo mabagal ang naging umpisa ngunit nang magpakilala na sila ng bagong karakter ay doon na nag-iba ang takbo ng pelikula at lumayo sa kalingkingan ng mga palabas na may kapareho nitong istorya. Mas lalo pang tumindi ang mga pangyayari nang isang panibagong karakter na naman ang pumasok na mas lalong nagpaigting sa kagustuhan ng mga manonood na ipagpatuloy ang palabas.
Ginamit ang fantasy element nito upang magbigay ng kakaibang timpla sa isang madramang kuwento ng mga bida. Sinamahan ito ng mga twists na hindi mo inaasahan ngunit ito ang siyang sasagot sa mga mabubuong katanungan. Dito magaling ang South Korea, sa kakaiba nilang istilo ng storytelling. Mapapanganga ka sa mga rebelasyon at paiiyakin ka sa mga nakatagong katotohanan. Sa huli mo na magpagtatanto ang aral na nais nitong iparating.
Hanga ako sa naging cinematography ng pelikula. Isang araw na paulit-ulit ang setting ngunit nagawa parin ng direktor nitong bigyan ng iba't-ibang angulo ang mga pangyayari. Mga kaganapang hindi na bago ngunit bago ang paraan ng pagpapakita. Humanga din ako sa tatlong bida nito na may kaniya-kaniyang atake sa kanilang karakter. Mga amang puno ng pagmamahal sa kanilang mga anak at isang asawang hindi man perpekto ay gagawin ang lahat para sa minamahal. May kaniya-kaniyang ipinaglalaban ngunit may iisang hangarin, at ito ay ang magkapatawaran.

No comments:
Post a Comment