Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 58 minutes
Director: Joel Ferrer
Writer: Jona Labayan, Jeps Gallon
Production: Regal Films
Country: Philippines
Isang sikat na modelo si Sabrina (Lovi Poe), mayaman, sosyalera at may pagka-suplada. Basketbolista naman si Nando (Vhong Navarro) makasarili at buwaya sa paglalaro ng bola. Sa parehong pagkakataon ay makakasalamuha nila si Apo Jr. (Lou Veloso) isang pulubi na makakaranas ng pagmamalupit mula sa dalawa. Ang hindi nila alam ay hindi isang ordinaryong pulubi si Apo Jr.
Sa bisperas ng kanilang kaarawan, isang kaparusahan ang mararanasan nila Sabrina at Nando. Magigising sila sa isang hindi pangkaraniwang umaga dahil magkakapalit sila ng katawan. Si Sabrina ay magiging si Nando at si Nando naman ay magiging si Sabrina. Ang tanging lunas sa naturang sumpa ay ang maunawan ang kanilang mga pagkakamali.
50-50 ang naging opinyon ko sa palabas. May mga pagkakataong nasosobrahan ito sa kakornihan at may mga oras namang pasok ang mga punchlines nito. Sakto lang naman ang ipinakitang pag-arte nila Poe at Navarro, sumabay ito sa pagiging comedy ng palabas pero kung ang lebel ng galing ang pag-uusapan ay hindi sila gaanong kagalingan lalo na't ang kanilang binibigyang buhay ang karakter ng isa't-isa. Para lang silang umaarteng bakla at tomboy na hindi naman gaanong isyu para sa akin dahil light lang naman ang palabas.
Hindi na bago ang storyline nito at wala ding ipinakitang kakaiba upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Medyo weak ang sitorya at hindi kongkreto ang daloy nito. Hindi kapani-paniwala ang biglaan at agad na pagtanggap ng bawat pamilya sa kanilang estado. Pero dahil light nga lang ang istorya ay maaari nang palampasin. Madami ring fillers na kahit lampasan ay okay lang dahil madali lang naman sundan ang kuwento.
Overused na ang konsepto, predictable ang kuwento, at mediocre lang ang acting. Pero ang nagustuhan ko dito ay ang humor nito na kahit may mga parteng nasobrahan sa pagiging OA ay nakaka-enjoy parin namang panoorin. Gusto ko rin na hindi ginawang love story ang palabas at purong komedya lamang ang ipinakita.
No comments:
Post a Comment