Poster courtesy of IMP Awards © GTH |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Sukrit Wisetkaew, Laila Boonyasak
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 50 minutes
Director: Nithiwat Tharathorn
Writer: Sopana Chaowwiwatkul, Supalerk Ningsanond
Production: GTH
Country: Thailand
Dating wrestler ang bagong guro na si Song (Sukrit Wisetkaew) ngunit dahil sa kakulangan sa karanasang magturo ay napunta siya sa paaralan ng isang liblib na lugar bilang isang substitute teacher. Malayo sa sibilisasyon, walang kuryente at walang signal. Bukod sa mga problemang ito ay limang estudyante lang ang kaniyang tuturuan na mula pa sa iba't-ibang baitang. Sa simula'y nahirapan si Song na mag-adjust sa bagong buhay ngunit nang mapasakamay nito ang isang diary mula sa dating guro na nagturo sa naturang paaralan ay nagkaroon ito ng kumpiyansa sa sarili. Sa tulong ng naturang diary ay naitawid nito ang mga bata sa isang maayos na pag-aaral.
Ang diary na ang naging katuwang ni Song sa kaniyang pamamalagi sa naturang lugar. Ito ang nagbigay aliw sa kaniyang pagtira dito, ang naging kaniyang inspirasyon sa pagtuturo at naging katulong sa paglutas ng mga problema. Hindi naglaon, hindi man nakilala ni Song ng personal ang dalagang nasa likod ng diary, ay unti-unting nahulog ang loob niya dito. Ngunit agad ding nawasak ang namuong pag-ibig nito nang mapag-alaman niyang malapit nang ikasal ang babaeng nagmamay-ari ng diary.
Katulad ng isang guro, maraming aral na maituturo ang pelikula sa bawat isa. Katulad na lang ng pagbibigay importansya sa edukasyon na marami sa atin ay hirap itong pahalagahan sa kabila ng dami ng batang napagkaitan nito dahil sa kahirapan. Magsisilbi rin itong inspirasyon hindi lang sa mga guro na mas magpursigi sa pagtulong sa mga batang nangangailangan ng kaalaman kundi maging sa mga mag-aaral na igalang at respetuhin ang mga paghihirap na nararanasan ng mga guro sa kanilang propesyon.
Maganda ang ginawa ng pelikula na ipinasilip sa atin ang buhay ng mga batang hindi nabiyayaan ng yaman. Kung papaano nila iginapang ang pag-aaral makamit lang ang kanilang pangarap. Naipadama sa atin ng palabas ang agwat ng mga pribiliheyong meron ang mga mayayaman na wala sa mahihirap.
Pagdating naman sa aspeto ng komedya at romansa, hindi nagkulang ang pelikula dito. Dala nito ang isang nakakatuwang bida na binigyan ng nakakakilig na tambalan. Madaling mahalin ang karakter ni Wisetkaew dahil sa pagkakaroon nito ng mababaw na pag-iisip ngunit malalim na pagkahabag. Siya iyong tipo ng bida na bobo man tignan ay hindi ka bibiguin sa mga pagkakataong nangangailangan ng matinong pag-iisip. Ganoon din ang karakter na binigyang buhay ni Boonyasak, misteryosa at palaban. May sariling opinyon sa buhay at higit sa lahat, mahal niya ang pagtuturo.
Kung teknikal naman ang pag-uusapan, may mga pagkakataong mararamdaman mo ang bagal ng usad ng istorya. Naiwasan sana ito kung binigyan din nila ng sariling kuwento ang iba pang batang bida rin ng palabas tutal ay apat lang naman sila. Sa diary nag-focus ang pelikula at sa development ng karakter ng bida. Maganda ang naging build-up ng love story nila Song at Ann at sulit ang naging ending nito. Ang naging problema ko lang dito, sa mga dramatic scenes ni Boonyasak ay hindi mo dama ang sakit na nararamdaman niya dahil hindi tumatagos sa mga mata ang emosyong kaniyang ipinapakita sa kabila ng mga luhang pumapatak mula rito.
Overall ay magkakaroon ka ng masayang karanasan sa panonood ng Teacher's Diary. Mayroon itong napakagandang kuwento at makulit na cast. Bibigyan ka ng aral at inspirasyon at higit sa lahat ay bubuksan nito ang iyonh mga mata sa ibang buhay na malayo sa ating nakagisnan.

No comments:
Post a Comment