Search a Movie

Wednesday, October 17, 2018

Kusina Kings (2018)

Poster courtesy of IMDb
© Star Cinema
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Zanjoe Marudo, Empoy
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 47 minutes

Director: Victor Villanueva
Writer: Victor Villanueva
Production: ABS-CBN Film Productions, Star Cinema
Country: Philippines


Isang restaurant ang ipinatayo ng magkaibigang sina Benjie (Empoy) at Ronnie (Zanjoe Marudo). Ngunit hindi tulad ng kanilang inaasahan, nilangaw ang naturang negosyo, sumabay pa ang scam na nangyari kay Ronnie dahilan upang mawala ang perang bubuhay sa kanilang kainan. Dahil dito, napilitang sumali si Benjie sa isang pakontes sa TV na Kusina King Challenge kung saan lalabanan nito ang sikat na chef na si Gian (Ryan Bang) kapalit ang tatlong milyong piso kapag  siya'y nanalo. Kung sakaling hindi naman palarin ay mapupunta kay Gian ang kanilang naipundar na restaurant.

Subalit dahil sa isang aksidente na si Ronnie ang rason ay mauuwi sa comatose si Benjie. Upang makabawi sa mga kasalanan, kahit walang alam sa pagluluto, ay aakuin ni Ronnie ang pag-aalaga sa restaurant at haharapin niya si Gian maisalba lang ito.

Nasobrahan sa kakornihan ang pelikula. Sa modernong panahon ngayon, hindi na uso ang 90's comedy na siyang ginamit sa palabas. Punong-puno ito ng mga puns, fat jokes at sexual innuendos. Sumabay pa ang patulang pag-arte ni Empoy at trying hard na acting ni Nathalie Hart. Maayos naman ang pagganap ni Marudo, hindi nga lang siya nabigyan ng maayos na material.

Maganda rin sana ang kuwento ng Kusina Kings kung sineryoso lang ito sa kabila ng pagiging comedy nito. Napansin ko ang pagkakaroon nito ng inspirasyon sa Ratatouille (2007) at Cooking Up a Storm (2017). Kaso tila pinaglaruan na lang ito ng mga writers at hindi na binigyang pansin pa ang mga plot holes kasi nga sa standards ng Pinoy comedy films, hindi na ito big deal. Ang mahalaga ay maibato ang mga laos nang punchlines kahit na lumipas na ang pagiging nakakatawa nito. Hindi rin ako fan ng mga shameless plugging na ginawa sa palabas. Ang mga obvious na product placements at maya't mayang pagbanggit sa mga teleserye at pelikula ng ABS-CBN. 

Predictable plot, boring storyline, boring characters, boring lines at boring cast. Kung mababa ang humor mo, baka pumasa pa ito sa panlasa mo. Pero kung maayus-ayos na comedy ang hanap mo, tanggalin mo na ito sa watchlist mo dahil wala kang mapapala sa palabas na ito. 


No comments:

Post a Comment