Search a Movie

Saturday, April 22, 2023

Black Panther: Wakanda Forever (2022)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Letitia Wright, Lupita Nyong'o, Danai Gurira
Genre: Action, Drama, Sci-Fi, Fantasy
Runtime: 2 hours, 41 minutes

Director: Ryan Coogler
Writer: Ryan Coogler, Joe Robert Cole
Production: Marvel Studios
Country: USA


Magsisimula ang palabas sa pagkamatay ni T'Challa (Chadwick Boseman). Sa pagkawala ng hari at tagapagtanggol ng Wakanda ay nais ngayon ng ibang nasyon na ibahagi ng Wakanda ang kanilang vibranium na tanging matatagpuan sa kanilang lugar.

Sa kabila nito ay magmamatigas si Queen Ramonda (Angela Bassett) dahil Wakanda lang ang may karapatan sa vibranium. Dahil  ipinagdamot ng Wakanda ang yaman ng kanilang lugar, napilitan ang CIA at US Navy SEALs na maghanap sa ibang lugar. Gamit ang vibranium detector ay makakahanap sila ng vibranium sa Atlantic Ocean subalit bago pa man nila ito makuha ay susugurin sila ng mga hindi kilalang mga taong-dagat.

Aakalain ng CIA na ang Wakanda ang may pakana ng lahat subalit ang hindi nila alam ay may ibang mundo pa pala sa ilalim ng dagat na naglalaman din ng vibranium tulad ng Wakanda. Ang naturang lugar ay ang kaharian ng Taloka na pinamumunuan ni Namor (Tenoch Huerta Mejí). Dahil sa pagkabulabog ng kanilang kaharian ay lalapitan ni Namor si Ramonda para sa isang bagay: hanapin ang taong gumawa at bumuo ng vibranium detector o kung hindi ay susuguri nila ang Wakanda.

Gaya ng inaasahan, hindi ka talaga mabibigo pagdating sa visuals ng pelikulang gawa ng Marvel at hindi ekspesyon dito ang Black Panther: Wakanda Forever. Mula sa CGI, visual effects, props, costume, set design ay makikita mo talagang ginastusan at pinaghandaan ang palabas na ito. Mamamangha ka sa ganda ng mga makikita mo sa screen lalo na sa kaharian ng Talokan. Sobrang nakaka-impress ang mga underwater scenes dahil ginawan talaga sila ng sariling mundo.

Maliban sa visuals, nakakamangha rin ang action scenes ng palabas. 'Yun nga lang, mabibitin ka sa mga labanan dahil kakaunti lang ang aksyon na mapapanood mo rito. Sayang dahil masaya pa sanang panooring makipaglaban ang mga Dora Milaje. Underwhelming din ang labanan pagdating sa climax ng palabas. Pakiramdam ko ay hindi ito lumebel sa ibang palabas ng Marvel pagdating sa huling laban. Parang may kulang at walang wow factor kahit na maganda naman ang mga action sequence.

Pagdating naman sa storyline, masyadong madrama ang mga pangyayari. Sobrang haba ng pelikula at halos kalahati yata nito ay nauwi sa pagdadrama ng mga karakter na maiintindihan ko sana dahil nga namatayan sila kaso nga lang ay naapektuhan na ang pacing ng istorya dahil dito. Maganda ang conflict pero ang problema ay hindi ito nasolusyunan. Sa halip na tapusin ang gyera ay cold war ang nangyari. Hindi masyadong satisfying ang katapusan pero sa parehong pagkakataon ay nakapagbigay naman ito ng kaunting excitement dahil ibig sabihin lang nito ay makikita ulit natin si Namor at ang kaharian ng Taloka. Ito kasi ang isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula na tingin ko ay naging highlight ng Black Panther: Wakanda Forever.


© Marvel Studios

No comments:

Post a Comment