★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Jeon Do-yeon
Genre: Action
Runtime: 2 hours, 17 minutes
Director: Byun Sung-hyun
Writer: Byun Sung-hyun
Production: See At Film
Country: South Korea
Isang contract killer si Gil Bok-soon (Jeon Do-yeon) na kilala sa kanilang industriya bilang ang pinakamahusay na mamamatay-tao. 100% ang success rate ng bawat trabahong ipinapagawa sa kaniya kaya naman malaki ang respeto sa kaniya ng mga kasamahan niyang killer.
Subalit nag-iba ang lahat noong magkaroon ng anak si Bok-soon. Sinubukan niyang pagsabayin ang pagiging killer nito at pagigiging ina. Ngunit sa paglaki ng kaniyang anak, nahihirapan nang itago ni Bok-soon ang tunay niyang pagkatao mula sa kaniyang dalaga. Dahil sa pagiging busy sa trabaho ay unti-unti na rin niyang napabayaan ang anak hanggang sa lumayo na lang ang loob nito sa kaniya.
Dahil dito ay napag-isipan ni Bok-soon na mag-retiro na kapag natapos ang kontrata nito ngunit hindi pumayag ang boss niyang si Cha Min-kyu (Sol Kyung-gu). Isang trabaho ang ibinigay nito sa kay Bok-soon kung saan kailangan niyang pumatay o kung hindi ay siya mismo ang papatayin.
Isipin mo ang buong franchise ng John Wick at ilagay mo ito sa iisang pelikula. Parang ganoon ang kinalabasan ng Kill Boksoon. Hindi ko naman sinabi na ginaya pero ang plotline nito ay hawig sa nabanggit na pelikula. Kapag mahilig ka sa aksyon, ito ang pelikulang dapat mong panoorin. Astig ang bida, matalino, marunong lumaban at kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan. Pinatunayan lang nito na siya talaga ang nangunguna at hindi mapantayang killer sa kanilang industriya.
Maganda ang mg action choreography ng palabas. Sakto lang ang pagiging gory nito. Madugo pero karamihan ng dugong makikita mo ay CGI na lang kaya hindi ito masyadong disturbing panoorin. Marami ring twist and turns na inihanda ang pelikula kahit na hindi na nakakagulat ang ilan dito dahil nga nagawa na ng ibang action-films, ganoon pa man ay nakaka-enjoy pa rin naman itong panoorin.
Gusto ko rin ang side story ni Bok-soon at ng kaniyang anak. Relatable at malayo sa main plot. Nakatulong ito para magkaroon ng break mula sa dark theme ng pelikula. Maganda rin na binigyan nila ng sariling sub-plot ang anak ni Bok-soon para hindi lang ito maging one-dimensional character. Overall, maganda ang palabas, may parte na medyo dragging pero hindi naman ito problema kung ineenjoy mo ang pelikula.
© See At Film
No comments:
Post a Comment