Starring: Harrison Gilbertson, Laysla De Oliveira, Will Buie Jr.
Genre: Horror, Mystery
Genre: Horror, Mystery
Runtime: 1 hour, 41 minutes
Director: Vincenzo Natali
Writer: Vincenzo Natali, Stephen King (novel), Joe Hill (novel)
Production: Copperheart Entertainment, Netflix
Country: Canada
Magsisimula ang lahat sa paghingi ng tulong ng isang batang nasa kalagitnaan ng isang bukid na puno ng mahahabang damo. Ang magkapatid na sina Becky (Laysla De Oliveira) at Cal DeMuth (Avery Whitted) na bumibiyahe papuntang San Diego ang makakarinig sa panaghoy ng naturang bata.
Sa pag-aalala ay susubukan ng dalawa na hanapin at tulungan ang bata. Ngunit ang hindi nila alam, hindi lang simpleng damuhan ang kanilang pinasok. Nagsimulang mawalan ng direksyon ang dalawa hanggang sa napagtanto nilang hindi na pangkaraniwan ang nangyayari sa kanila.
Nakaka-intriga ang premise ng pelikula. Noong napanood ko ang trailer nito ay agad ako nagka-interes dito. Maganda ang naging simula ng istorya. Punung-puno ito ng misteryo at katanungan. Hanggang sa biglang lumaylay na lang ang kuwento. Naging dragging ang mga eksena, nagsilabasan ang mga twist na wala man lang explanation. Sobrang daming nangyayari na hindi maipaliwanag dahil wala namang nagpapaliwanag.
Pagdating sa kalagitnaan ay nawalan na 'ko ng interes sa palabas dahil paikot-ikot at paulit-ulit na lang ang mga nangyayari. Hindi na umusad ang kuwento. Hanggang sa natapos na lang ito na hindi pa rin nasasagot ang mga katanungang nabuo sa simula ng kuwento. Hindi rin nakatulong na hindi gaanong maganda ang acting ng mga bida maliban kay Patrick Wilson na siya lang ang nakapagbigay ng takot at thrill sa palabas. Ganoon pa man, hindi niya nabuhat ang pelikula dahil hindi talaga maganda ang kinalabasan nito. Hindi rin interesting ang mga character plots nito na medyo cheesy para sa aking taste.
Hindi ko alam kung gusto lang magpaka-deep ng pelikulang ito pero sa halip na bigyan ka ng magandang mystery movie, maguguluhan ka lang sa mapapanood mo. Maiiwan ka lang na hindi satisfied, puno ng tanong, walang eksplinasyon at dismayado.
© Copperheart Entertainment, Netflix
No comments:
Post a Comment