Search a Movie

Friday, April 21, 2023

He Who is Without Sin (2020)

 8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Elijah Canlas, Enzo Pineda
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 14 minutes

Director: Jason Paul Laxamana
Writer: Jason Paul Laxamana
Production: Solar Pictures
Country: Philippines


Lahat tayo, matutuwa kung sakali mang imbitahan tayo ng taong iniidolo natin para lumabas at magkape. Ganito ang nangyari sa broadcasting student na si Martin (Elijah Canlas) kung saan ay nakatanggap siya ng imbitasyon para lumabas at magkape mula sa idolo niyang news reporter na si Lawrence (Enzo Pineda).

Subalit ang pananabik ay mauuwi sa dismaya nang madiskubre ni Martin na ang iniidolo niya ay may ibang kulay at itinatago pa lang ugali na hindi nakikita sa harap ng kamera.

Mahirap i-review ang pelikulang ito nang hindi makapagbibigay ng spoiler pero susubukan kong hindi mai-spoil ang palabas habang nagbibigay ng komento. Magiging limitado nga lang ang mga sasabihin ko.

Maganda ang ipinamalas na pag-arte ni Canlas sa palabas na ito. Naipakita niya kung papaano ang maging asiwa, problemado at naguguluhan dahil sa naging karanasan ng kaniyang karakter. Ganoon din na nagampanan ni Pineda ng maayos ang kaniyang karakter. Maayos ang naging pagganap ng dalawa na siyang nagpaganda sa pelikula.

Pero sa lahat ng nagustuhan ko dito sa palabas ay ang storytelling nito. Kakaiba ang paunti-unting rebelasyon ng bawat pangyayari na nababago at nadadagdagan base sa kung paano at kanino ikukuwento ng bida ang mga kaganapan nang gabing lumabas siya kasama si Lawrence. Maaaring nakakalito ito para sa iba pero kapag nakuha mo na ang premise ay mai-impress ka sa paraan ng pagkakakuweno nito.

Maiinis, masusuya at masusuklam ka sa mga mapapanood mo sa palabas na ito. Sa totoo lang ay nakakalungkot ang naging istorya ng palabas lalo na't alam nating nangyayari ito sa totoong buhay. At maraming tao ang hindi makapagsalita at makapagsumbong dahil sa iba't ibang sitwasyon. Nakakalungkot din na sa ganito natapos ang pelikula, walang nakamit na hustisya ang bida. Pero ganoon naman talaga ang realidad lalo na para sa isang simpleng estudyante laban sa isang sikat na personalidad. Mahirap itong labanan.


© Solar Pictures

No comments:

Post a Comment