Search a Movie

Tuesday, April 18, 2023

Labyu with an Accent (2022)

 4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Coco Martin, Jodi Sta. Maria
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 59 minutes

Director: Malu Sevilla, Rodel P. Nacianceno
Writer: Patrick Valencia, Rodel Nacianceno
Production: CCM Creatives
Country: Philippines


Isang career woman ang Fil-Am na si Trisha (Jodi Sta. Maria) na malapit na sanang ikasal sa fiancé niyang si Matt (Rafael Rosell) kaso nga lang ay nahuli niyang may ibang babae palang kinakalantari ang kaniyang boyfriend.

Agad nakipaghiwalay si Trisha kay Matt at dali-daling tumakas pauwi sa Pilipinas para mag-move on. Sa Pilipinas niya makikilala ang macho dancer na si Gabo (Coco Martin) na siyang tutulong sa kaniya para kalimutan ang lalaking bumasag sa kaniyang puso. Magpapanggap ang dalawa bilang mag-syota hanggang sa ang pagpapanggap ay mauuwi sa totohanan. Iyon nga lang, may malaki pa ring problema si Trisha sa USA na kailangan niyang ayusin.

Cringe-fest ang pelikulang ito. Mula sa weirdong pamilya ni Gabo at sa weirdo nilang negosyo hanggang sa pa-cute acting ni Martin na hindi naman bagay sa kaniya. Simula pa lang ay mapapatanong ka na kung itutuloy mo pa bang panoorin ang pelikula. Pero dahil kailangan ko itong tapusin para sa review ay nagpatuloy ako.

Kung weird na ang simula, mas lumala pa ito sa mga sumunod na oras. Kung sino man ang sumulat sa kuwento ng palabas na ito ay medyo out of touch sila sa reality. Macho dancer na nakalipad sa States ng walang kahirap-hirap? Napaka-imposibleng paniwalaan sa sobrang higpit ba naman ng immigration ngayon.

Hindi pa dito natatapos ang mga reklamo ko. Punong-puno rin ng misogyny ang pelikula. Lalaking ayaw pagtrabahuhin ang kapareha dahil gusto niyang patunayang kaya niyang buhayin ang girlfriend niya. Tapos dagdagan mo pa ng babaeng ayaw ipaglaban ang karapatan dahil mahal niya 'yung lalaki. Ngayon lang ako nakapanood ng rom-com film kung saan imbis na kiligin ka ay na-stress at nainis lang ako. Sobrang nakaka-high blood ang male lead na bukod sa manipulative sad boy ay entitled pa kahit na ilegal worker naman.

Tapos sa dulo, sobrang convenient na bigla na lang naresolba ang lahat ng conflict ng pelikula ng walang kahirap-hirap dahil lang tapos na ang palabas. Sa panahon ngayon, hindi ako makapaniwala na may mga ganito pa ring klase ng storyline na nabubuo. Sayang sa oras, walang kuwenta, at parang hindi pinag-isipan.


© CCM Creatives

No comments:

Post a Comment