Search a Movie

Sunday, April 16, 2023

The Adam Project (2022)

7 stars of 10
★★★★★
 ☆☆☆

Starring: Ryan Reynolds, Walker Scobell
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 46 minutes

Director: Shawn Levy
Writer: Jonathan Tropper, T.S. Nowlin, Jennifer Flackett, Mark Levin
Production: Skydance Maximum, Effort 21, Laps Entertainment
Country: USA


Matapos mawala ang asawa sa isang misyon ay tatangkain ng fighter pilot na si Adam Reed (Ryan Reynolds) ang mag-time travel mula taong 2050 pabalik sa taong 2018 para hanapin ang kaniyang misis. Subalit dahil nakaw lang ang gamit nitong time jet ay sinubukan siyang pigilan ng kaniyang mga kasamahan.

Sa pagmamadaling makatakas ay aksidenteng napunta si Adam sa maling timeline. Napasok siya sa taong 2022 kung saan ay muli niyang makikita ang batang Adam (Walker Scobell), labing-dalawang taong gulang, na asthmatic, talunan at palaging binubully. Dito na magsisimula ang team-up ng present Adam at batang Adam para itama ang maling pamamalakad sa mundo nila sa kasalukuyan at para na rin hanapin at ibalik ang nawawala niyang asawa.

Maganda ang concept ng The Adam Project pero hindi na bago para sa 'kin ang naging kuwento nito. Cliché ang climax pati na rin ang ending pero aaminin ko na may hugot ang dulo nito lalo na pagdating sa istorya ng pamilya ni Adam. Kahit papaano ay naaliw naman ako sa panonood ng pelikulang ito. Na-curious kasi ako sa kakaibang tandem ng present Adam at batang Adam, iisang tao pero magkaiba ang ugali at perspektibo sa buhay. Doon pa lang ay mahu-hook ka na.

Kahanga-hanga ang visual effects ng palabas, hindi ka madidismaya. Magaganda rin ang action scenes kaso nga lang ay nakakabitin dahil konti lang ang aksyon sa palabas na 'to. Overall, so-so lang ang storyline, boring at predictable pero matino naman kahit papaano. Ang mahalaga ay nakabawi naman sila sa visuals, acting at quality ng cinematography kaya pasado na rin ito para sa akin.


© Skydance Maximum, Effort 21, Laps Entertainment

No comments:

Post a Comment