Search a Movie

Wednesday, April 12, 2023

Taking Lives (2004)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Angelina Jolie, Ethan Hawke
Genre: Crime, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: D.J. Caruso
Writer: Jon Bokenkamp, Michael Pye (novel)
Production: Village Roadshow Pictures, Atmosphere Pictures
Country: USA


Sa loob ng mahigit dalawang dekada, isang serial killer ang patuloy na pumapatay para magnakaw ng pagkakakilanlan at magpanggap bilang ang mga taong kaniyang pinapatay.

Sa tulong ng FBI profiler na si Illeana Scott (Angelina Jolie) ay susubukang hulihin ng awtoridad ang naturang killer kahit na paiba-iba ito ng identity. Sa kalagitnaan ng imbestigasyon ay makikilala ni Illeana ang art dealer na si James Costa (Ethan Hawke), ang kaisa-isang witness sa pinakahuling pagpatay na ginawa ng serial killer. Pero dahil dito ay mapapahamak ang buhay ni James matapos itong pagtangkaan ng killer. Dito na mabubuo at magsisimulang lumalim ang pagsasama ng dalawa hanggang sa magsimulang tumibok pareho ang kanilang puso para sa isa't isa.

Hindi ko nagustuhan ang palabas, real talk. Nagsimula ito sa isang prologue na promising. Umasa ako na magkakaroon ito ng magandang storyline dahil maayos ang simula nito pero kasabay ng pagkaubos ng oras ay ang pagbagsak din ng kalidad ng pelikula.

Wala itong thrill dahil hindi mo mapapanood kung papaano pumatay ang killer. Ni hindi ka kakabahan dahil hindi mo ramdam na may killer pala. Hindi man lang sila gumawa ng paraan para maramdaman ang presensya niya. Makikita mo lang siya sa simula at sa dulo ng palabas. Sa halip na i-highlight ang killer, mas nag-focus ang palabas sa love story ng dalawang bida na hindi akma sa tema. Iikot ang naratibo sa relasyon nila Ileana at James at sa pag-solve sa kaso kahit na hindi naman ito gaanong umuusad.

Sa huli, bigla kang gugulatin ng isang twist na maaaring predictable na sa iba pero sa totoo lang hindi ko na-predict. Dahil sa twist na ito, umasa akong magkakaroon ng redemption arc ang istorya pero sa halip, bibigyan ka ng isang climax na supot. Walang kalatuy-latoy, walang satisfaction dahil natapos ang lahat sa loob lamang ng ilang minuto. Hindi ka man lang bibigyan ng chance para sulitin ang resolution.

Mabuti na lang at nandito sa palabas na ito si Angelina Jolie na siyang inabangan ko. Nakakainis lang na pati ang karakter niya ay nasira lang at hindi nagamit ng maayos.


© Village Roadshow Pictures, Atmosphere Pictures

No comments:

Post a Comment