Search a Movie

Tuesday, April 11, 2023

The Good Nurse (2022)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Jessica Chastain, Eddie Redmayne
Genre: Biography, Crime, Drama
Runtime: 2 hours, 1 minute

Director: Tobias Lindholm
Writer: Krysty Wilson-Cairns, Charles Graeber (book)
Production: Protozoa Pictures, FilmNation Entertainment
Country: USA


Isang single mother at ICU nurse si Amy Loughren (Jessica Chastain) na may lihim na iniindang sakit sa puso. Sa kabila nito, kinakailangan niya munang tumagal ng apat na buwan sa ospital para makakuha ng health insurance at ma-afford ang heart transplant na kaniyang inaasahan.

Sa naturang ospital makikilala ni Amy ang bagong lipat na si Charles Cullen (Eddie Redmayne) na siyang makakasama nito sa ICU tuwing night shift. Mabilis na magkakagaanan ng loob ang dalawa hanggang sa makabuo sila ng tiwala sa isa't isa. Subalit ang tiwalang ito ay unti-unting masisira at mapapalitan ng paghihinala nang isang pasyente ang bigla na lang namatay sa isang hindi inaasahang dahilan.

Noong pinanood ko ang pelikulang ito, hindi ko alam na base pala ito sa mga totoong pangyayari. Kaya pala walang masyadong malalaking kaganapan o twist and turns dito dahil isa itong biography at hindi puwedeng gawing exaggerated ang mga eksena dahil magiging fictional na ito.

Maayos pero slow-paced ang naging takbo ng istorya. Ipinakilala ang bida, ipinakilala ang isa pang bida, ipinakita kung paano sila na-attach sa isa't isa hanggang sa ipinasok ang conflict na magbibigay ng hook sa mga manonood para magpatuloy. Sa kabila nito, medyo predictable na ang istorya nito. Kakaunti lang kasi ang mga karakter kaya alam mo na kung sino ang sino. Ang aabangan mo na lang ay kung papaano mabubuko, mahuhuli at mapaparusahan ang killer.

Sa totoo lang forgettable ang palabas na ito sa opinyon ko. Oo, may maayos itong kuwento, parehong magaling umarte ang bida at hindi nito sasayangin ang oras mo pero katulad ng sinabi ko, hindi mo na ito maaalala sa mga susunod na araw dahil wala itong wow factory na ibinigay na siyang magpapaalala sa pelikula. Ganoon pa man, nararapat lang na bigyan natin ng pugay ang "good" nurse na isa sa mga nakatulong para mahuli ang isang serial killer sa totoong buhay.


© Protozoa Pictures, FilmNation Entertainment

No comments:

Post a Comment