Search a Movie

Thursday, April 13, 2023

We're the Millers (2013)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Jason Sudeikis, Jennifer Aniston, Will Poulter, Emma Roberts
Genre: Comedy, Crime
Runtime: 1 hour, 50 minutes

Director: Rawson Marshall Thurber
Writer: Rawson Marshall, Bob Fisher, Steve Faber, Sean Anders, John Morris
Production: New Line Cinema, Newman/Tooley Films, BAD VERSION Productions, Slap Happy Productions, Heyday Films Benderspink
Country: USA


Isang pot dealer si David Clark (Jason Sudeikis). Matapos manakawan ng pera at mawala ang mga ibinebenta nitong marijuana ay nagkaroon siya ngayon ng malaking utang sa kaniyang dealer. Para makabayad, kailangan niyang magtungo sa Mexico para kunin ang shipment ng kaniyang dealer at i-biyahe ito pabalik sa kanilang bansa.

Para magawa ang kaniyang misyon, isang plano ang binuo ni David. Bubuo siya ng isang pekeng pamilya at magpapanggap sila bilang mga bakasyunista. Unang hinikayat ni David ang kaniyang weirdong kapitbahay na si Kenny Rossmore (Will Poulter) at ang palaboy na si Casey Mathis (Emma Roberts) para magpanggap na kaniyang mga anak. Samantala, kinakuntsaba naman nito ang stripper na si Rose O'Reilly (Jennifer Aniston) para magsilbing asawa at ina ng mga pekeng anak niya. Kapalit ng malaking halaga ng pera, pumayag ang tatlo sa plano ni David at doon nabuo ang pamilya Millers.

Isa itong comedy movie na may matinong storyline. Malimit lang akong makapanood ng comedy film kung saan hindi apektado ang istorya para lang makapagbigay ng mga punchline. Ang nagustuhan ko rito ay hindi exaggerated ang mga banat, hindi pilit ang mga jokes at lalong hindi nila ginawang katawa-tawa ang mga karakter para lang masabing comedy ito. Ang humor nito ay nakabase sa magandang latag ng script na sobrang ikinatuwa ko.

Maliban sa humor, may depth ang mga karakter sa palabas na ito at hindi lang sila one dimensional. Dahil dito ay bumagay ang cast sa bawat isa kaya enjoy silang panoorin sa screen. Maganda ang chemistry nila bilang pamilya at ang magkakaiba nilang ugali ang bumuhay sa palabas.

Kung tutuusin, simple lang ang istorya ng We're the Millers pero ang maganda rito ay ang kalidad ng pagkaka-istorya nito kahit na isa lang itong comedy. Seryoso ang pagpapatawa nila at hinding-hindi ka makakaramdam ng cringe o maski secondhand embarrassment.


© New Line Cinema, Newman/Tooley Films, BAD VERSION Productions, Slap Happy Productions, Heyday Films Benderspink

No comments:

Post a Comment