Starring: Cristine Reyes, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Ruffa Gutierrez
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 54 minutes
Director: Darryl Yap
Writer: Darryl Yap
Production: VinCentiments, Viva Films
Country: Philippines
Isa na siguro sa mga pinaka-kontrobersyal na pelikula sa taong 2022 ang Maid in Malacañang ni Darryl Yap. Dito ipapakita ang mga pangyayari sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang Palace bago sila sapilitang umalis ng Pilipinas para lumipad papuntang Hawaii sa kalagitnaan ng People Power Revolution noong 1986.
Ang pelikulang ito ay point of view o side ng mga Marcos kaya nasa tao na kung paniniwalaan nila ito o hindi. Ang ikinaganda ng pelikula ay may mga real footage itong ipinapakita para patunayang totoo o nangyari nga ang mga kaganapan sa pelikula. Ganoon pa man, alam naman natin na karamihan sa mga ganitong klase ng pelikula ay hindi 100 percent accurate dahil kailangan nitong maging dramatic para sa mga audience.
Kung tutuusin, nag-mukha nga itong pelikula ni Imee Marcos (Cristine Reyes). Pagdating kasi sa istorya, mas si Imee ang bumida sa palabas. Maliban sa mga maid sa Malacañang ay nag-focus ang palabas sa mga struggles ni Imee at kung ano ang mga ginawa niya sa mga araw na pinapatalsik na ang pamilya niya sa Malacañang.
Punung-puno ng dialogue ang mga eksena. Ang problema nga lang minsan ay masyado nang mahaba ang mga kaganapan sa puntong mawawalan ka na ng interes sa pinag-uusapan nila. Alam kong drama ang palabas na ito pero pakiramdam ko, halos lahat ng eksena ay masyadong exaggerated para maipadama sa nanonood ang paghihirap ng mga karakter. Maraming sigawan, maraming iyakan, mga eksenang karaniwang naapapanood sa dramarama sa hapon.
Ang problema, kahit gaano pa ito kadrama ay hindi ko ito masyadong naramdaman dahil nagsimula ang kuwento sa gitna. Simula pa lang ng palabas ay problema na agad. Nawalan na ang palabas ng oras para i-establish ang mga karakter. Alam kong kilalang tao ang mga isinasabuhay sa pelikulang ito pero sa perspektibo ng mga hindi nakakakilala sa kanila ay tiyak akong mahihirapan silang maka-relate. Hindi ako aware sa mga pinagdaanan ng mga karakter kaya nahirapan akong ma-attach sa kanila. Masyado ring mabilis ang mga pangyayari kaya hindi mo ma-feel ang mga ipinaglalaban nila.
Ang naging saving grace ng pelikula ay ang kuwento ng tatlong maid na sina Yaya Biday (Beverly Salviejo), Yaya Lucy (Elizabeth Oropesa) at Yaya Santa (Karla Estrada). Sila ang nagbigay ng ibang timpla sa pelikula. Oo nga't medyo modern ang humor ng palabas at medyo hindi angkop sa panahon noon pero nagustuhan ko naman ang mga batuhan nila ng linya. Napakaganda ng naging chemistry nilang tatlo at maganda rin ang pagkakasulat sa mga karakter nila. Sa kanila ka mahuhumaling na siyang karapat-dapat dahil sila ang nasa title role.
© VinCentiments, Viva Films
No comments:
Post a Comment