Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 85 minutes
Director: Jamie Babbit
Writer: Brian Wayne Peterson, Jamie Babbit (story)
Production: The Koshner-Locke Company, Ignite Entertainment
Country: USA
Sa kabila ng kaniyang pagiging cheerleader at pagkakaroon ng boyfriend ay hindi parin nakaligtas si Megan (Natasha Lyonne) mula sa paghihinala sa kaniya ng kaniyang magulang at mga kaibigan na isa siyang tomboy. Dahil dito ay napilitan ngayon siyang tumira sa True Directions na isang therapy camp para sa mga tomboy at bading na nais bumalik sa pagiging straight.
Dito niya makikilala si Graham (Clea DuVall) isa ring lesbiana na katulad ni Megan ay ipinasok din ng kaniyang mga magulang sa True Directions sa pagnanais na maibalik ito mula sa pagiging tunay na babae. Ngunit sa pananatili ni Megan sa therapy camp na ito, imbes na manumbalik sa dati ay kabaligtaran ang nangyari sa kaniya dahil mas tinanggap pa nito ang kaniyang pagiging tomboy lalo na nang mahulog ang loob niya kay Graham.
Isang satirical na pelikula na ginawa para sa mga taong homophobic. Punong-puno ng mga katatawanan na tumitira sa mga taong ignorante pagdating sa pagkakaroon ng iba't-ibang sekswalidad. Ang pelikula ay naglalayon sa mga taon na tanggapin ang sari-sarili nilang sexual orientations, ipinapakita dito na kahit bumali-baligtad man ang mundo ay hindi na ito mapapalitan o maaalis pa at ang tanging kasagutan lang sa problemang ito ay ang pagtanggap dito.
Sa kabila ng pagiging makulay ng pelikula ay may mga downside ito, hindi ganoon kaganda ang pag-arte ng mga artista sa palabas. Baguhan ang dating ng pag-arte ni Lyonne at katamtaman din lang naman ang ipinamalas ni DuVall. Sa pangkalahatan, isang pelikula na maaari nating sabihin na "pwede na" dahil hindi man ito Oscar level ay makapagbibigay parin naman ito ng tuwa sa manonood lalo na sa mga taong makaka-relate sa isyung tinatalakay sa simpleng pelikula.
No comments:
Post a Comment