Search a Movie

Wednesday, February 3, 2016

The Martian (2015)

8 out of 10 stars
★★★★★★★★☆☆

Starring: Matt Damon, Jessica Chastain, Kristen Wiig
Genre: Adventure, Drama, Sci-Fi
Runtime: 144 minutes

Director: Ridley Scott
Writer: Drew Goddard, Andy Weir (novel)
Production: 20th Century Fox, TSG Entertainment, Scott Free
Productions, Kinberg Genre, Mid Atlantic Films
Country: USA

Anim na astronauts ang nagkaroon ng manned mission sa Mars ngunit lima lang ang naka-alis mula rito. Si Mark Watney (Matt Damon), ang botanist sa grupo na inakalang patay na ng kaniyang mga kasamahan matapos tamaan ng debris mula sa isang matinding bagyo ay mag-isang namuhay sa Mars matapos siyang iwan ng kaniyang grupo.

Nang mapag-alaman ng NASA ang kondisyon ni Watney ay agad silang gumawa ng aksyon upang maibalik ito sa Earth ngunit kailangan nila itong makuha sa lalong madaling panahon bago pa man siya maubusan ng pagkain at mamatay sa gutom.

Masyadong naging teknikal ang pelikula, mahirap intindihin ang usapan ng mga karakter sa ilang eksena dahil sa mga technical terms na ginamit. Hindi ko rin akalaing gugutumin ako sa panonood nito dahil halos lahat ng eksena ni Matt Damon sa Mars ay kung hindi man nagbibilang ng pagkain ay kumakain. Gayunpaman ay nandoon yung humor sa kabila ng pagkakaroon ng seryosong sitwasyon sa palabas. 

Ngunit hindi lahat ng parte ng pelikula ay nakakalibang, sa kalagitnaan ay masyadong napahaba ang paghahanda ng NASA sa pagsalba kay Watney kaya hindi mo maiwasang mainip lalo na't alam mo na kung ano ang kahihinatnan ng palabas. Nakabawi naman sila pagdating sa climax dahil nailabas nila ang thrill, excitement at adrenaline rush, mga emosyon na makukuha mo sa mismong eksena. 

Ang lahat ng ito ay 'di mo mararamdaman kung hindi dahil sa napakagandang cinematography. Hanga ako kay Ridley Scott dahil maganda ang pagkaka-prisinta niya sa Mars at sa outer space. Ramdam mo yung layo ni Watney sa Earth at yung hirap ng pagkuha sa kaniya pabalik. Nabigyan din niya ng pagkakataong magkaroon ng special role ang iba't-ibang supporting characters. Kailangan din nating bigyang pansin ang napakagaling na pagbibigay buhay ni Damon kay Watney, tunay na tunay ang bawat emosyon na dapat ay ramdam ng kaniyang karakter sa mga sitwasyong kinakaharap nito.

Kung ikukumpara ko ito sa isang space film na Oscar nominee rin noong 2015 ay 'di hamak na mas na-enjoy ko ang panonood nito dahil magkahalong humor, drama, thrill at may kaunting aksyon rin na ipinakita ang The Martian.

No comments:

Post a Comment