6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆
Starring: Amy Schumer, Bill Hader, Brie Larson
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 125 minutes
Director: Judd Apatow
Writer: Amy Schumer
Production: Apatow Productions, Universal Pictures
Country: USA
Ang isang tao, hindi lang dapat iisa ang nagiging kapareha sa buhay. Ito ang pangaral na natutunan ni Amy (Amy Schumer) mula sa kanilang ama noong siya'y bata pa kaya nang siya ay lumaki at nagkaroon ng sariling buhay ay iba't-ibang lalaki ang palagi nitong nakakasama sa kabila ng pagkakaroon niya ng boyfriend. Siya'y nahilig sa iba't-ibang bisyo at namuhay bilang isang liberated na dalaga.
Ngunit ang lahat ito ay nagbago nang makilala niya sa trabaho si Aaron Conners (Bill Hader), isang sports doctor na kabaligtaran ang buhay at ugali mula sa kaniya. Sa pagtatagpo ng landas ng dalawa ay biglang naiba ang mundo ni Amy hanggang sa unti-unting nagkamabutihan ng loob ang dalawa. Ang problema, hindi pa handa si Amy na iwan at talikuran ang nakasanayan niyang buhay.
Sa kabila ng hindi kapani-paniwalang pagiging GGSS ng karakter ni Amy Schumer ay hindi ko inaasahan na magkakaroon sila ng chemistry ng screen partner niyang si Bill Hader. Hindi man ito kasing lakas ng Gosling-Stone tandem ay makakaranas ka parin naman ng kilig mula sa dalawa.
Nadala ni Schumer ang sarili niyang pelikula, siya ang bumuhay dito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakakatuwa at prankang karakter. Ika nga ng iba, havey na havey ang mga deadpan humor niya. May pagka-hawig kay Melissa McCarthy ang paraan ni Schumer ng pagpapatawa, ang kaibahan lang ay hindi niya ginagawang katatawanan ang sarili niyang katawan na siya namang karaniwang tema ng mga jokes ni McCarthy.
Isang tipikal na chick-flick, may pagka-cliché pero punong-puno purong katatawanan na tinimplahan ng kaunting family drama at leksyon sa buhay.
No comments:
Post a Comment