Search a Movie

Friday, August 24, 2018

A Wrinkle in Time (2018)

Poster courtesy of IMP Awards
© Walt Disney Pictures
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Storm Reid, Levi Miller, Deric McCabe
Genre: Adventure, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Ava DuVernay
Writer: Jennifer Lee, Jeff Stockwell, Madeleine L'Engle (novel)
Production: Walt Disney Pictures, Whitaker Entertainment
Country:  USA


Nang makadiskubre si Dr. Alexander Murry (Chris Pine) ng bagong paraan ng space travel ay parang bula na bigla itong naglaho. Iniwan niya ang kaniyang asawa at dalawang anak na sina Meg (Storm Reid) at Charles Wallace (Deric McCabe) ng walang paalam at pasabi.

Hanggang sa dumating ang araw nang biglang magpakita sa kanilang tahanan ang tatlong estranghero na may mga kakaibang kapangyarihan. Sina Mrs. Which (Oprah Winfrey), Mrs Whatsit (Reese Witherspoon) at Mrs. Who (Mindy Kaling) ang siyang tutulong kina Meg at Charles Wallace na hanapin ang kanilang nawawalang ama, kapalit nito ay ang pagsagip ni Meg sa kanilang tahanan mula sa isang masamang elemento. 

Ang A Wrinkle in Time ang pelikulang nasobrahan sa fantasy kaya nagkandagulo-gulo ang kuwento nito. Para itong pinaglaruan ng mga writers na puro amateur. Isa itong simpleng kuwento ng paghahanap sa isang nawawalang ama na pinuno ng mga walang kuwentang fantasy elements at nagsubok na magpaka-deep sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga sensitive at natataon na social issues na wala namang kinalaman sa kabuuan ng kuwento.

Sasakit ang ulo mo sa panonood ng naturang pelikula dahil maiirita ka lang sa mga nagaganap dito. Walang sense ang laki ni Mrs. Which at nakakainis ang pagtawag nila kay Charles Wallace ng kaniyang buong pangalan kada dialogue. Magulo ang naging adventure ng mga bida at idinagdag pa ang karakter ni Levi Miller na kung tutuusin ay wala naman siyang ibang ginawa kundi ang maging backdrop. Hindi ko rin maintindihan ang magical rules na ipinataw sa istorya kaya naging nonsense ang storyline nito.

Ang tanging masasabi ko lang sa palabas na positibo ay ang makulay nitong aesthetic na makakakuha sa atensyon ng mga bata. Iyon lang at ang iba ay mas mababa pa sa below average. Bad acting, bad storyline, bad characterization, bad movie. Mag-aaksaya ka lang ng oras sa panonood nito.


No comments:

Post a Comment