Poster courtesy of IMP Awards © Marvel Studios |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Chadwick Boseman, Michael B. Jordan
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 14 minutes
Director: Ryan Coogler
Writer: Ryan Coogler, Joe Robert Cole, Stan Lee (comics), Jack Kirby (comics)
Production: Marvel Studios,Walt Disney Pictures
Country: USA
Matapos mamatay ang ama sa Captain America: Civil War (2016) ay bumalik si T'Challa (Chadwick Boseman) sa kaniyang tahanan, ang tagong lupain ng Wakanda, upang pamunuan ang lugar bilang ang bagong hari. Ngunit hindi naging madali ang pamumuno nito lalo na nang mapag-alaman nitong hinahamon siya ng iba nitong pangkat para sa kaniyang trono.
Hindi pa dito ang nagtatapos ang kaniyang suliranin dahil bukod dito ay isang kalaban din ang nagnanais sumakop sa Wakanda at si T'Challa bilang ang Black Panther lang ang makakatigil nito. Sa tulong ng grupo ng Dora Milaje, ang kapatid nitong si Shuri (Letitia Wright) at ang dayong si Everett K. Ross (Martin Freeman) na isang CIA agent ay lalabanan nila ang kaaway na nais magsimula ng digmaan.
Marami ang nagkagusto sa Black Panther at isa na ako doon, ngunit ang kaibahan ko lang sa mga positive reviews na ibinigay ng iba ay mayroon ilang issues akong nakita sa palabas na medyo hindi pumantay sa mga naunang Marvel movie na aking napanood. Ayoko mang ikumpara ngunit hindi talaga maiiwasan lalo na't nakapag-set na ng standard ang mga naunang palabas at bukod dito ay sa iisang cinematic universe sila lahat nabubuhay.
Ang unang napansin ko sa naturang palabas ay mas seryoso ang bida nitong si T'Challa na naiintindihan ko naman dahil sa kaniyang pinagdaanan at dahil na rin isa siyang hari. Para sa akin ay naging less likable siya dahil dito. Gayunpaman, taglay nito ang mga katangian ng isang Marvel hero, malakas, maliksi, magaling makipaglaban at may puso. Mabuti na lang at humorous ang supporting characters ng palabas tulad nila Everett at Shuri.
Nakulangan din ako sa mga labanan dito dahil bukod sa mga high-tech na armas ni Black Panther ay wala na akong ibang nakita pa kundi ang mga martial arts na galawan niya. Medyo boring kung ako ang tatanungin dahil hindi rin ganoon ka-interesting ang naging kalaban nito.
Gayunpaman, kung ang storyline naman ang pag-uusapan ay ito ang nagustuhan ko sa buong pelikula ngunit mas maganda sana kung origin story na lang ang ipinakita para mas may connect ang mga manonood sa karakter. Subalit maganda ring makilala ang bagong Avenger sa sarili nitong pelikula.
Visually appealing naman ang palabas. Taas-kamay ako sa set at costume design ng mga karakter na nagbigay personalidad sa mga sari-sariling tribu ng Wakanda. Maganda ang naging addition ni Everett sa kuwento ng pelikula upang pambalanse ngunit sa totoo lang ay naging forgettable din ang karakter nito.

No comments:
Post a Comment